Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Pabahay Program ng SHFC Pinalakas sa North Cotabato

266 non-formal settlers ang sumailalim sa background investigation na inilunsad ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) para sa Leyminda Homeowners Association Incorporated.

Inilunsad ng SHFC Region II Mati Office sa pangunguna ni Manager Junard Amba ang imbestigasyon bilang bahagi ng proseso at masuri ang kwalipikasyon ng mga aplikante.

Sinabi ni Provincial Project Manager Paul Bangcas, na nasa Barangay Paco ang housing site ng LHAI. Sa 100sqm, magbabayad lamang ng 1,700 kada buwan ang mga benepisyaryo.

Nilinaw ni Bangcas na kabilang sa kwalipikasyon ng maging benepisyaryo ang kawalan ng propidad, titulo na pinag-aari at loan sa anumang housing program.

“Malaking tulong po talaga ang programa, dahil hindi lamang ang mga apektado ng lindol ang matutulungan kundi pati na rin ang mga mag anak na matagal nang nakikitira lamang,” ayon kay Marcel Cedeño, ang Presidente ng Asosasyon.

Ang aktibidad ay bahagi ng hiling ni Governor Nancy Catamco kay Asst.Secretary Arnulfo Cabling, Presidente ng SHFC nang dumalaw ito sa probinsya noong Setyembre ng nakalipas na taon. Hiniling ng Gobernador na mabigyang prioridad at mapabilis ang pagsulong ng pagtatayo ng low cost housing sa probinsya.(Kidapawan City / January 19, 2021)

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

Kasiyahan at pasalamat sa halos P2M suporta sa mga biktima ng Lindol sa Barangay BalabagKasiyahan at pasalamat sa halos P2M suporta sa mga biktima ng Lindol sa Barangay Balabag

Masigabong palakpak ng kasiyahan kalakip ng taos pusong pasasalamat ang sumalubong kay Governor Nancy Catamco makaraang pangunahan nito ang pamamahagi ng ayuda sa mga labis na naapektuhan ng lindol noong 2019 sa Barangay Balabag, Kidapawan City. Abot sa P1, 960,000 ang ipinamahagi ng gobermadora para sa 196 na mga residente