Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Pabahay Program ng SHFC Pinalakas sa North Cotabato

266 non-formal settlers ang sumailalim sa background investigation na inilunsad ng Social Housing Finance Corporation (SHFC) para sa Leyminda Homeowners Association Incorporated.

Inilunsad ng SHFC Region II Mati Office sa pangunguna ni Manager Junard Amba ang imbestigasyon bilang bahagi ng proseso at masuri ang kwalipikasyon ng mga aplikante.

Sinabi ni Provincial Project Manager Paul Bangcas, na nasa Barangay Paco ang housing site ng LHAI. Sa 100sqm, magbabayad lamang ng 1,700 kada buwan ang mga benepisyaryo.

Nilinaw ni Bangcas na kabilang sa kwalipikasyon ng maging benepisyaryo ang kawalan ng propidad, titulo na pinag-aari at loan sa anumang housing program.

“Malaking tulong po talaga ang programa, dahil hindi lamang ang mga apektado ng lindol ang matutulungan kundi pati na rin ang mga mag anak na matagal nang nakikitira lamang,” ayon kay Marcel Cedeño, ang Presidente ng Asosasyon.

Ang aktibidad ay bahagi ng hiling ni Governor Nancy Catamco kay Asst.Secretary Arnulfo Cabling, Presidente ng SHFC nang dumalaw ito sa probinsya noong Setyembre ng nakalipas na taon. Hiniling ng Gobernador na mabigyang prioridad at mapabilis ang pagsulong ng pagtatayo ng low cost housing sa probinsya.(Kidapawan City / January 19, 2021)

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

Lalawigan ng Cotabato patuloy na naghahanda sa malawakang pagbabakuna kontra Covid-19, dagdag pang 2.1M honoraria ng frontliners natanggap naLalawigan ng Cotabato patuloy na naghahanda sa malawakang pagbabakuna kontra Covid-19, dagdag pang 2.1M honoraria ng frontliners natanggap na

Marso 18, 2021- Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Lalawigan ng Cotabato sa isasagawang malawakang pagbabakuna kontra Covid-19. Ngayong araw pinangunahan ng provincial government ang Covid-19 simulation activity sa bayan ng Aleosan at vaccination campaign sa bayan ng Pikit na aktibong sinuportahan ng mga lokal na opisyales ng nasabing bayan. Sa

Gob NC binigyang-katuparan ang munting kahilingan ng mga magsasaka ng Kisupaan, Pres. PoxasGob NC binigyang-katuparan ang munting kahilingan ng mga magsasaka ng Kisupaan, Pres. Poxas

“Pagkaon ang importante karong panahona. Kung duna kay tinanom gulay sa likod sa balay, buhi na ta ug dili kinahanglan mogasto pa,” pahayag ni Edilberto Caingles, Vice chairman ng Kisupaan Agrarian Reform Beneficiaries Organization (KIARBO). Bakas sa mga mukha ng opisyales ng KIARBO at Kisupaan Women’s Association ang kasiyahan ng