North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Pagpaliban ng eleksyon ng Cotelco BOD suportado ni Governor Nancy

1 min read

Suportado ni Governor Nancy A. Catamco as Chairperson ng Provincial IATF ang hiling ng Cotelco Board of Directors sa pangunguna ng kanilang General Manager na si Godofredo B. Homez na ipagpaliban muna ang Board of Directors Election ngayong taon dahil sa pandemya.

Sa pulong kasama ang COTELCO Officials, nais ng gobernadora na tutukan muna ang pangangailangan ng mga mamamayan gaya ng pailaw sa mga liblib na lugar.

Sinabi ng Gobernador na mainam na ikonsidera ang sitwasyon ng bawat tahanan na nais magpakonekta ng kuryente sa lugar. Kapag indigent umano ang pamilya, kung pwede ay libre na lang at wala nang babayaran na kusing ang mga ito, ramdam kasi niya ang hirap na dinaranas ng kanyang mga nasasakupan.

Paliwanag ni Manager Homez, saklaw daw ng kanilang programa na “Sitio Electrification” ang hiling ng gobernadora. Sinisuguro nila na karapat dapat ang mga pamilyang makatanggap ng libreng pailaw.

Amas, Kidapawan City(January 25,2021)

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.