Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Integrated Health Care System para sa mga North Cotabatenos, ilulunsad na

Mas mabilis at mahusay na serbisyo para sa kalusugan ang nakatakdang ihatid ng pamunuan ni Governor Nancy Catamco sa pagpapatupad ng pinag-isang (integrated) health care system sa North Cotabato.

Ito ang bahagi ng napag-kasunduan ng Gobernador at ni Department of Health (DOH) XII Regional Director Aristides Concepcion Tan kasama si IPHO Chief Dr. Eva Rabaya.

Ang pagbisita ni Director Tan, kasama ang kawani ng DOH ay bahagi ng pagsunod ng Administrative Order 0021 na pirmado ng Kalihim ng DOH na syang nag-uutos na mapag-isa ang Local Health system mula sa LGU hanggang sa level ng Probinsya, kasama ang mga health care agencies ng pamahalaan tulad ng Philhealth.

Nakatakdang magpulong ang Provincial Health Board ngayong byernes upang mapagtibay ang programa at malagyan ng detalye ang sistema. Kasama rin sa pulong si Dr. Rubelita Agallot, Dr. Henry Sulficio Legaspi at SP Boardmember Krista Piñol Solis at iba pang kawani ng DOH at IPHO. (Amas, Kid City / Jan.26, 2021)

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

Higit 2M halaga na kagamitang pansaka binigay sa mga fruit at veggie farmers sa CotabatoHigit 2M halaga na kagamitang pansaka binigay sa mga fruit at veggie farmers sa Cotabato

Amas, Kidapawan City (March 30, 2021) – Magiging mas mahusay na ang pagtatanim at pag-ani ng mga gulay at prutas sa lalawigan matapos tumanggap ng iba’t ibang kagamitang pansaka ang mga vegetable at fruit farmers nitong araw ng Martes. Isang turnover program ng nasabing mga kagamitan ang isinagawa kaninang umaga

Caring for the youthCaring for the youth

As the province beefs up youth development programs and campaigns against drug abuse among young people, the provincial government conducts series of symposiums and consultative workshops engaging youth leaders from all sectors. The Anti-Drug Campaign and Multi-Sectoral Consultative Workshop is designed to involve young leaders from all sectors such as

Pagsugpo sa insurhensya at pagsulong ng kaunlaran sa mga liblib na Barangay paigtingin sa 2021 ELCAC program implementationPagsugpo sa insurhensya at pagsulong ng kaunlaran sa mga liblib na Barangay paigtingin sa 2021 ELCAC program implementation

“Ang pagkamit ng kapayapaan sa bansa ay hindi lamang para sa ating Pangulo kundi para sa ating lahat”. Ito ang pahayag ni Sec. Isidro Lapeña sa ginanap na virtual meeting ngayong araw kasama si Governor Nancy A. Catamco at mga kawani ng National Task Force(NTF). Sa datus ng National Task