North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Pagpasabog sa Bayan ng Tulunan mariing kinondena ng Gobernador

1 min read

Mariing kinokondena ni Governor Nancy Catamco ang nangyaring pagpapasabog sa bayan ng Tulunan. Ito ay isang kalapastangan di lamang sa batas, ngunit lalo na sa karapatang pangtao ng bawat mamamayan.

Ang insidenteng ito ay isang dagok laban sa seguridad at kapayapaan ng ating probinsya. Ngunit tulad ng lahat ng mga pagsubok na atin ng napagdaanan, sama-sama at tulong-tulong tayong bumangon.

Nanawagan ngayon ang Gobernador sa pagtutulungan ng lahat na mahuli at mapapanagot ang may sala. At dapat ay hindi na ito maulit pa.

Sa mga biktimang nasugatan at nasawi, bilang Ina ng Probinsya ay handa ang Gobernador na tumulong, lalo sa mga pangangailangan.

Hiniling nito ang ibayong pag-iingat po sa ating lahat, at manatili tayong maging mapagmasid at bigilante sa ating paligid. Wag po tayong mag atubiling makipagtulungan sa mga kinauukulan upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari. Kidapawan City (January 27, 2021)

Basi sa initial na ulat:

Ang insidente ay naganap 12:30 ngayong araw

sa National highway of Brgy. SibSib Tulunan Cotabato . Kinilala ang mga sugatan: (passenger)

Rodel Secur-24 yo

Kent Lloyd Sendero-19 yo

Ryan Panibayo-28 yo

Eduard Odango-

Retchie Pedroso-32

At nasawi ang isang;

Gina Paunan, 53 yo.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

More Stories

Leave a Reply