Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Pagsugpo sa insurhensya at pagsulong ng kaunlaran sa mga liblib na Barangay paigtingin sa 2021 ELCAC program implementation

“Ang pagkamit ng kapayapaan sa bansa ay hindi lamang para sa ating Pangulo kundi para sa ating lahat”. Ito ang pahayag ni Sec. Isidro Lapeña sa ginanap na virtual meeting ngayong araw kasama si Governor Nancy A. Catamco at mga kawani ng National Task Force(NTF).

Sa datus ng National Task Force (NTF) mahigit labing apat na libo na ang bilang ng mga FRs o Former Rebel Surrenderees at 4,849 sa kanila ay nakatanggap na ng mga livelihood programs, sa ilalim ng ELCAC program.

Dahil dito hinihikayat ng nasabing ahensya ang mga LGU’s na tutukan ang kanilang mga barangay lalong lalo na ang mga ELCAC areas na syang priority target ngayon ng CPP/NPA/NDF.

Kabilang ang Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños (NAC) local Serbisyo Caravan ng North Cotabato ang kinilala ng NTF dahil sa masigasig nitong pagtulong sa mga dating rebelde. Nabanggit ang bayan ng Tulunan, Arakan at Magpet na labis ang nakitang suporta mula sa pamunuan ni Governor Catamco.

Abot sa 63 barangays ang nabigyan ng tulong sa pamamahala ng gobernadora sa ilalim ng programang ELCAC NAC -LSC sa taong 2020.

Masigasig ang pamunuan ni Governor Catamco sa pagsulong ng pakikipag-usap sa mga rebelde na nais bumalik sa pamahalaan at implementasyon ng mga programa upang maiangat ang kanilang kabuhayan.

Una nang pinuri ng RIATF ang pamunuan ni Governor Catamco sa natatangi nitong pagbuhikas ng mga NAC local Serbisyo Caravan na sadyang masaya at siksik sa proyekto at programa.. Amas, Kidapawan (January 26,2021)

Source: https://www.facebook.com/GovernorNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

Caring for the youthCaring for the youth

As the province beefs up youth development programs and campaigns against drug abuse among young people, the provincial government conducts series of symposiums and consultative workshops engaging youth leaders from all sectors. The Anti-Drug Campaign and Multi-Sectoral Consultative Workshop is designed to involve young leaders from all sectors such as

Integrated Health Care System para sa mga North Cotabatenos, ilulunsad naIntegrated Health Care System para sa mga North Cotabatenos, ilulunsad na

Mas mabilis at mahusay na serbisyo para sa kalusugan ang nakatakdang ihatid ng pamunuan ni Governor Nancy Catamco sa pagpapatupad ng pinag-isang (integrated) health care system sa North Cotabato. Ito ang bahagi ng napag-kasunduan ng Gobernador at ni Department of Health (DOH) XII Regional Director Aristides Concepcion Tan kasama si

Anti-Poverty Sec. saludo kay Gov. Catamco sa pag-implementa ng ELCACAnti-Poverty Sec. saludo kay Gov. Catamco sa pag-implementa ng ELCAC

President Roxas (March 18, 2021)- Nagpaabot ng kanyang pagsaludo si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Noel K. Felongco sa liderato ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa maayos at epektibong implementasyon ng EO. 70 o whole-of-the-nation approach sa lalawigan ng Cotabato. “Swerte kamo kay ara kamo gobernadora kag lideres nga