North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Probinsya ng Cotabato, humakot ng parangal

1 min read

Humakot ng parangal ang probinsya ng Cotabato, sa pangunguna ni Governor Nancy A. Catamco sa 7th Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry (DTI).

Pasok sa “MOST COMPETITIVE PROVINCE” ang Cotabato na ika-12 mula sa 76 na mga kalahok na probinsya sa buong bansa. Si Governor Catamco ang mismong tumanggap ng parangal, kasama ang mga kawani ng Cotabato Province Investment and Promotion Center; na pinangunahan nina Norito Mazo at Margian Warner.

Naroroon rin sina Mayor Romeo Araña, Mayor Russel Abonado, Mayor Herlo Guzman, at Board Member Dulia Sultan para tanggapin ang mga parangal na nakamit ng kanilang mga munisipyo.

Tumanggap rin ng Komendasyon si Norito Mazo bilang Local Economic Investment Promotion Officer.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni DTI Region 12 Director Jude Constantine Jaugan na “Despite the pandemic, these Local Government Units have continued to deliver quality public service.”. (Koronadal, South Cotabato/Enero 28, 2021)

Most Competitive Municipality

(1st and 2nd Class Category, out of 489)

14th: Midsayap

16th: Kabacan

40th: M’lang

45th: Pikit

(3rd and 4th Class Category, out of 611)

48th: Aleosan

Most Competitive Component City

(out of 112)

26th: Kidapawan

Most Improved Municipality:

Pikit (from 120th place to 45th place)

Aleosan (from 87th place to 48th place)

(PGO Media Team)

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.