North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

AKSYON AGAD: Tubig ay buhay

1 min read

Bawas pasanin umano ang pagkakaroon nila ng jetmatic water pump matapos na matanggap nila ito mula sa Provincial government.

Ngayong umaga ay hinatid ng mga tauhan ni Gob. Nancy Catamco ang sampung (10) jetmatic water pump sa lahat ng mga purok at isang Muslim Community ng Barangay La Esperanza, Tulunan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat kay Gob. Catamco si Purok 7 President Nestor Paeldoña dahil mababawasan ang paghahakot ng tubig sa malayo.

“Ang tubig sa amon, halin pa sa piyak balay kag kung kis-a makadto pa kami sa mga sapa para maglaba. Perti gid kabudlay kay amo ina ginahimo namon kada adlaw, ti wa’y man kami mahimo kay kung waay sing tubi patay kami eh.”

Pinuri naman ni Chairman Erwin Angulo ang programa ng Gobernador dahil tiyak na makakatulong ito sa mga tao.

Kasama sa pamimigay ng Jetmatic ang mga Brgy Kagawad na sina Renan Pragados, Marry Ann Mamalintang, at Leodigario Seronda Jr.

Source:https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply