Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Mahigit 8.2M na ayuda sa biktima sa lindol, ipinamahagi sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City

Abot sa P 8,290,000 ang ayudang ipinamahagi ngayong araw ni Governor Nancy Catamco sa mga apektado ng lindol noong 2019 sa Barangay Ilomavis, Kidapawan City.

Nakatanggap ng tig sampung libo (10,000) ang 829 beneficiaries at ipinamahagi ito ng Gobernador katuwang ang mga kawani ng Provincial Treasury Office (PTO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sinabi ng Gobernadora na umaasa syang mapupunta sa nararapat na pagkagastusan ang ayudang ibinigay sa mga ito kasabay ng paalala sa mga benepisyaryo na sa kabila ng mga trahedyang nararanasan, kayang malampasan kapag nagtutulungan.

Nagpahayag naman ng malaking pasasalamat kay Governor Catamco si Barangay Chairman Jimmy Mantawil dahil mula nuong naganap ang lindol, tuloy tuloy ang pagtulong sa kanila ng gobernadora kasabay ng pagmamalaki na isang Governor Catamco ang naging lider ng lalawigan na aniya ay halos walang kapaguran sa personal na pag iikot sa kanyang mamamayan.

Nangako naman si Pastor Aligy Tongcaling, isa sa mga benepisyaryo na gagamitin nya sa pagpapaayos ng kanyang nasirang bahay ang perang natanggap kasabay ng taos pusong pasasalamat sa gobernadora.

Sumaksi rin sa okasyon sina BM Dr. Philbert Malaluan, BM Krista Pinol-Solis MD at Mercy Foronda ng PDRRMO at mga Barangay Opisyales. // Ilomavis, Kidapawan City (February 3,2021)

Leave a Reply

Related Post

BOMBO FLASH: 3 front liners patay sa pagkasunog ng isang bus sa national highway sa North CotabatoBOMBO FLASH: 3 front liners patay sa pagkasunog ng isang bus sa national highway sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Patay ang 3 katao sa pagkasunog ng isang bus ng Yellow Bus Lines Incorporated (YBL) sa bahagi ng national highway Bialong Mlang, North Cotabato pasado alas-4:45 hapon ng Huwebes. Sa inisyal na impormasyon mula sa Mlang PNP, isang unit ng YBL na may body number A-104 na

Gob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa MlangGob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa Mlang

Nag-occular inspection si Gob. Nancy Catamco sa ginagawang Central Mindanao Airport ngayong hapon sa bayan ng Mlang. Layunin ng Gobernador na ma-monitor at masiguro nitong tuloy-tuloy ang trabaho sa paliparan sa kabila ng pandemya. Kasama ng Gobernador si Mayor Russel Abonado, Vice mayor Joselito Piñol, BM Philbert Malaluan, dating Mlang