North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Walang paa ngunit puno ng pag-asa

2 min read

PUNO ng kasiyahan ang buong pamilya ni Aiza Tamba Marco ng Sitio Martinez, Birada, Kidapawan City nang surpresa syang bisitahin ngayong araw ni Governor Nancy Catamco.

Si Aiza, 16 taong gulang ay ika-pitong anak ng mag asawang Leonardo at Lilibeth Marco. Isinilang sya na walang mga paa, at iisa lamang ang kamay o “Congenital limb defect”

Naghatid ng galak kay Governor Nancy ang positibong pananaw ni Aiza. “Minsan sa buhay, nahaharap tayo sa sitwayon at kabilang itong merun ka ngayon Aiza. Salamat nagiging inspirasyon ka sa maraming tao, ” sabi ng Gobernador.

Dinagdag pa ni Gov. Nancy na mas mahalaga kung ano ang nasa puso, at ang positibong pananaw ni Aiza. “Talo tayo kung maging negatibo ang tingin natin sa buhay. Hindi lang physical ang kagandahan ng isang tao, nasusukat ito sa laman ng kanyang puso,”

Nagdala ng wheelchair para kay Aiza si Gov. Nancy kasama si Board Member Philbert Malaluan. Sya ay nadiskobre sa tulong ng kanyang kapatid na si Gracebel o Princess Bella (FB Account) na nakausap ng Gobernador. Sumama rin sa pagbisita si Brgy. Kagawad Dodong Baclado.

Ipinagmalaki ni Aiza ang kanyang sariling awit at kanyang ipinarinig sa Gobernador: (Narito ang bahagi ng Lyrics ng awit)

Ako ay isinilang na may kapansanan

Akoy walang paa at isa lang ang kamay ko

Akoy nagtatanong bakit ako nagkaganon

Sa dami ng tao bakit ako ang nagkaganito

Minsan sa buhay ko, nawawalan ng pag asa

At ninanais na pumanaw sa mundo

Ngunit kalaunan ay aking naintindihan

Ang aking kalagayan mayroon palang

kadahilanan

Minamahal ng Diyos lahat ng mga

kapansanan

Pag ibig nyay wagas sa isang katulad ko

Buhay koy makulay, binigyan nya ng sigla

Akoy walang paa, ngunit may pag asa

Nag-aaral si Aiza sa Mua-an Integrated High School at labis ang pasasalamat nya sa sakripisyo ng kanyang mga magulang at kapatid na sina : Jor-el , Jeriel, Jecker, Gracebel, Graziel, Jamesvann. Sila ang kaagapay ni Aiza sa mga hamon na kanyang hinarap. Nagpasalamat din ito sa suporta ng mga guro sa paaralan.

Tiniyak ni Gov Nancy na mapabilang si Aiza sa Scholar ng kanyang tanggapan upang mabuo ang pangarap nitong makapagtapos ng kolehiyo. Magiging prayoridad rin sila programang pabahay ng Gobernador.|| Birada, Kidapawan City (February 5, 2021)

https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere