Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

163.8m Agricultural Machinery naipamahagi sa mga magsasaka ng palay sa Probinsya

Abot sa P163.8M halaga ng agricultural machinery ang naipamahagi sa mga magsasaka ng palay mula sa Department of Agriculture – Center for Postharvest Development and Mechanization katuwang ang pamunuan ni Governor Nancy Catamco ngayong araw.

Nanguna mula sa hanay ng ahensya ng Agrikultura si DA UnderSecretary Zamzamin Ampatuan at PhilMec Director Baldwin Jallorina at mga kawani ng DA 12. Naging kinatawan ni Governor Nancy Catamco BoardMember Philbert Malaluan kasama sina 3rd District Congressman Jose “Pingping” Tejada at Board Member Krista Piñol Solis at Provincial Administrator Efren Piñol.

Pinuri ni Usec Ampatuan ang sigasig ng Gobernador na tulungan ang mga magsasaka sa probinsya at tugunin ang mga hiling na suporta nito. Ipinaliwanag nito na ang pundo na nagasto para sa programa ay kita mula sa taripa ng pagpapasok at pagpapalabas ng produkto sa bansa na isinilid sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Ganito rin kasaya si Congressman Tejada nang ibahagi nito ang plano at ugnayan nila ni Governor Catamco kaugnay sa mga programa at proyekto na mapalago ang sektor na pagsasaka.

Naghayag ng pasalamat si BM Malaluan sa Department of Agriculture at ipinaabot ang mensahe ng Gobernador na nagbigay pugay sa punyagi at tulong ng mga rice farmers sa Food Security Program ng Probinsya.

Hiniling din ng Gobernador na gamitin ng tama, pangalagaan, at pahalagahan ang mga kagamitan naibigay sa kanila upang umani ng kasaganahan.

Naniniwala ang Gobernador na nasa mga kamay ng ating mga magsasaka ang responsibilidad, dedikasyon, at pagsusumikap upang magpatuloy sa pagtahak sa daan tungo sa isang Masaganang North Cotabato!

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

 

Leave a Reply

Related Post

Unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday” naging matagumpayUnang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday” naging matagumpay

Amas, Kidapawan City- Naging matagumpay sa lalawigan ng Cotabato ang unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday.” Ito ang inanunsyo ni Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Deputy for Admin Lt.Col Bernard Tayong sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting nitong araw ng Lunes, Mayo 31, 2021

Rural Transit Mindanao Inc. Papasada mula Cagayan de Oro tungong Cotabato City via Bukidnon at North Cotabato Province vice versa.Rural Transit Mindanao Inc. Papasada mula Cagayan de Oro tungong Cotabato City via Bukidnon at North Cotabato Province vice versa.

Malaking tulong ang hatid nito sa ekonomiya at tinatanaw na isang itong magandang balita, sabi ni Governor Nancy Catamco. Humarap ngayong umaga sa Gobernador si RTMI Branch Manager John Del Castillo kasama ang Area Supervisor na si Dominic Aranio at Legal Officer na si Celer Estologa. Opisyal nilang ipinaabot ang

Pagpahalaga sa kultura at tradisyon ng IP mas pinalalakas sa lalawigan ng CotabatoPagpahalaga sa kultura at tradisyon ng IP mas pinalalakas sa lalawigan ng Cotabato

Amas, Kidapawan City- Mas pinalalakas ngayon sa Lalawigan ng Cotabato ang pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng mga indigenous people (IP). Kahapon, Marso 22, 2021 inilunsad sa siyudad ng Kidapawan ang Project Epanaw isang proyekto na pinangunahan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Tourism Promotion Board ng Department