North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Operasyon ng Hybrid Electric Road Train (Hert) sa Probinsya patuloy na tinututukan ng binuong Task Force

2 min read

“Innovative na dapat tayo. It’s time to upgrade.”, Ito ang pananaw ni Governor Nancy Catamco kasabay ng kanyang suporta sa panukalang operasyon ng Hybrid Electric Road Train (HERT) ng Department of Science and Technology (DOST) dito sa North Cotabato.

Kanina ay muling humarap sa Gobernador ang mga myembro ng Task Force HERT

upang magbigay ng ulat hinggil sa ginawa nilang konsultasyon at pag-aaral.

Kasama si Provincial Director Michael Mayo ng DOST, nailahad ng Provincial Planning and Development Coordinators Office (PPDO) Chief Cynthia Ortega ang rota ng Hert, gastos ng operasyon, mga kailanganing kawani at pagbabago ng imprastraktura.

Kabilang sa natalakay ay ang panukalang pagbago ng disenyo ng rotonda sa Kidapawan City, Mlang at Matalam na pagdadaanan ng HERT. Nabatid na naglunsad na rin ng konsultasyon ang TF HERT sa sektor ng transportasyon.

Naniniwala ang Gobernador na malaki ang maitulong ng HERT upang mas mapahusay ang operasyon ng Central Mindanao Airport sa bayan ng Mlang at maisulong ang kaunlaran sa pamamagitan ng modernong transportasyon.

Sinabi ni Director Mayo na malaking bagay ang pagpili ng DOST sa Probinsya bilang benepisyaryo ng proyekto at malaking tulong ito sa masigasig na promosyon upang kilalanin ang North Cotabato.

Isasalang pa ang panukala sa Sangguniang Panlalawigan upang mabigyan ng kaukulang pundo at otorisasyon ang Gobernador na tanggapin ang donasyon ng DOST at tiyakin ang matagumpay na operasyon nito. Kasama sa pulong na ginanap ngayong araw ang mga myembro TF Hert na binubuo ng DPWH, HPG, PIPC, PLO, PEO at LGU’s.|| Amas, Kidapawan City (February 16,2021)

https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply