North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Vaccine Roll-Out Plan ng Probinsya tinututukan ng Provincial Health Board

1 min read

Pinulong ni Governor Nancy Catamco ang mga myembro ng Provincial Health Board ngayong araw upang talakayin ang Vaccine Roll Out Plan o paghahanda ng Pamahalaang Panlalawigan sa implementasyon ng malawakang pagbabakuna kontra COVID-19.

Naipresenta ni IPHO Head Dr. Eva C. Rabaya ang mga paghahanda na ginagawa ng IPHO at ang magiging proseso ng aktibidad mula sa Probinsya pababa sa mga LGU basi sa inilabas na alituntunin ng NIATF at DOH.

Tiniyak ng Gobernador na matutukang mabuti ang implementasyon ng COVID vaccination program ng Probinsya at iniutos nito ang pagbuo ng Vaccine Operation Center (VOC) upang matiyak ang mahusay na operasyon sa pagbakuna ng isang milyong (1M) Cotabateños. Prayoridad at uunahin sa pagbabakuna ang nasa 26, 868 healthcare workers ng probinsya.

Inaasahan ang mga vaccine simulation activities ngayong susunod na mga linggo. Pati rin ang serye ng pulong at pagsasanay para sa mga mga health frontliners kaugnay nito.

||Amas, Kidapawan/ 2/18/2021|| (PGO Media Team)

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.