North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Distribusyon ng mga Tseke para sa mga Step Beneficiaries, mmabot na sa Bayan ng Midsayap

1 min read

Abot sa P430,000.00 ang kabuuang halaga ng mga tseke na ipinamahagi ng Provincial Cooperative and Development Office ( PCDO) sa 145 na mga benepisyaryo nito sa barangay Lower Katingawan, Midsayap kaninang umaga.

Kaugnay nito ay nagpaabot ng malaking pasasalamat kay Governor Nancy Catamco si Barangay Captain Eduardo Singco na bagamat maliit lang aniya ang halaga ngunit marami ang matulungan, na kapag ginamit sa tama ay marami pang kasunod na biyaya mula sa pamahalaan.

Sa mensahe ni Governor Catamco na ipinaabot ng kanyang kinatawan na si Ruth Yonque, tiniyak nito na patas ang kanyang liderato sa pamimigay ng mga ayuda at programa ng pamahalaan upang lahat ay makinabang.

Sumaksi sa distribusyon sina Municipal Coordinator Efren Villar, Poblacion 5 Barangay Captain Eduard Delfin, Dan Zambrano mula sa tanggapan ni Governor Catamco , Rey Gauran ng PCDO at mga barangay officials.(PGO Media Bureau)

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.