North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

BHW’S Prayoridad sa Resbakuna bilang mga frontliners

1 min read

“Kabilang sa prayoridad na mabigyan ng bakuna ay ang mga Barangay Health Workers dahil kabilang kayo sa mga Frontliners”, ito ang ibinahagi ni ni Governor Nancy A. Catamco sa isinagawang Vaccine Simulation Exercise at Honorarium Distribution para sa mga BNS, BHW at DCW sa bayan ng Carmen ngayong umaga.

Malaki ang ginampanang responsibilad ng mga BHW sa harap ng pandemya at magiging katuwang sila hanggang sa pagsulong ng bakuna, paliwanag ng Gobernador. Nagpalakpakan at naghayag ng kahandaan ang mga barangay workers.

Abot sa 810,000 pesos na Honorarium ang ipinamigay ni Governor Nancy A. Catamco sa 193 na mga BNS, BHW AT DayCare Workers ng Carmen.

Ito ay kinabibilangan ng 35 na Barangay Nutrition Scholar(BNS), 95 na Barangay Health Workers(BHW) at 63 na DayCare Workers(DCW). Sila ay nakatanggap ng tig 4,200 pesos na honorarium sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre sa taong 2020.

Kasama ng Gobernador sa aktibidad sina Mayor Moises C. Arendain, Councilor Elmer A. Badoy, Councilor Justo B. Sabirola, Councilor Benjamin A. Patricio, Jr., Councilor Deldos A. Manampan, Councilor Ana Phy Naquitquitan, SK Chairman Welyn B. Cantomayor. BNS President Mabel Ortiza at BNS Nelia Agustin. Carmen North Cotabato

(March 9, 2021)

PGO TEAM

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.