North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

P42M panukalang programa at proyekto para sa edukasyon aprobado ng Local School Board

2 min read

Abot sa 42M programa at proyekto na hango sa Special Education Fund (SEF) para sa taong 2021 ang aprobado ng Provincial Local School Board kasunod ng pulong na ipinatawag ni Governor Nancy Catamco.

Nahahati sa tatlo ang pinaglaanan ng pondo basi sa kanilang panukala : 1) Office of the Schools Division Superintendent 2) Non-Formal Education at 3) Sports.

Napaloob sa aprobadong panukala ay ang – -P250 thousand pesos para sa Research and Development Funds;

– P2M Internet Subscription ng 280 Elementary at Secondary Schools;

-P2.5M pondong pambili ng Bond Papers para sa pagpapatuloy ng Modular Distance Learning Modality,

– P5M Repair at Rehabilitation of Boys Scouts

– P5M Repair and Rehabilitation para sa Girls Scouts Camps sa Bulatukan, Makilala maliban pa sa pondong inilaan para sa Trainings na aabot sa 3.4M para sa BSP at GSP members,

– P14M Covered Courts para sa 4 na paaralan sa iba’t-ibang Ligislative Districts,

– P5M additional Consumables para sa mga nauna nang ipinamahaging mga Duplicating Machines at pag-upgrade ng DXGO Radio Station reach capacity at Radio Broadcasting Airtime.

Maglalaan din ng pondo para sa mga karagdagang guro sa ilalim ng Learning Support Aides na aabot sa

– P1.5M at ALIVE ( Arabic Language and Islamic Values Education) Teachers Honorarium sa kabuuang halagang

– P240,000. Mayroong din inilaan na

– 2.2M para sa larangan ng Sports.

Nabatid na nagpapatuloy pa rin ang mga atleta ng DepEd sa pagsasailalim sa.mga virtual trainings sa harap ng pandemya para sa Virtual na pagsasagawa ng sports events sa mga piling laro.

Nasa pulong ang mga myembro ng School Board na pinamumunuan ng PSB Chairperson Hon. Gov. Nancy A. Catamco at Vice Chairman Isagani S. Dela Cruz, CESO V at mga miyembro ng PSB na sina Virgilio P. Ungab, Abdulrahman Andie, Hon. Romulo Tapgos, Ex Offficio SB Member Sarah Joy Simblante, at Board Member Ivy Martia Lei Dalumpines.

Dumalo din sa naturang pagpupulong ang mga opisyales ng Boys Scouts of the Philippines-Cotabato na pinangungunahan ni G. Cesar Q. Paguican, Jr. kasabay ni G. Noel Edumbingo at Girls Scout of the Philippines-Cotabato sa pamumuno ni Gng. Nimfa L. Silvano at mga kasamahan nitong sina Nena Torres, Josefina Escaner, Carlota Fernandez at Josephine Lorilla. Naroon din sina ASDS Roberto J. Montero, CESO VI at iba pang kinatawan ng DepEd-SDO Cotabato na sina Dr. Dionisio Toribio Costes, Dr. Elpidio Daquipil, Dr. Julie Lumogdang, Edmund Rosete, at Charlie L. Antipolo. Kabilang din sa mga dumalo sina Nina Ferrer, Atty. Ermelo Librre, Gaspar Llanos, at Manolito Filipinas mula sa Provincial LGU. || Amas, Kidapawan City (March 15, 2021)

Source:https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere