North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Murang pabahay para sa mga informal settlers at biktima ng kalamidad umuusad na

2 min read

Amas, Kidapawan City (Marso 11, 2021) – Minamadali na ngayon ng Pamahalaang Panlalawigan ang planong magbigay ng murang pabahay sa mga kwalipikadong mamamayan nito lalo na ang mga informal settlers at mga biktima ng kalamidad tulad ng lindol kung saan marami ang nawalan ng tahanan.

Sa pagbisita ng mga ehekutibo at personahe ng Socialized Housing Finance Corporation (SHFC) sa pangunguna ni Senior Vice President for Operation Atty. Ronaldo B. Saco sa tanggpan ni Governor Nancy A. Catamco nitong Martes, Marso 16, 2021, inihayag ng gobernadora ang nais nito na masimulan na sa lalong madaling panahon ang pabahay para sa mga higit na nangangailangan nito.

Setyembre ng nakaraang taon, nilagdaan ni Governor Catamco ang Executive Order na bumubuo ng Technical Working Group para sa nasabing socialized housing program (SHP).

Bago ang pagbisita ng SHFC sa tanggapan ng Gobernadora ngayong hapon, isinagawa din kanina ng grupo kasama ang Provincial SHP-TWG ang unang araw ng orientation se

minar na dinaluhan ng mga opisyales ng homeowners association sa lalawigan at municipal and city planning development coordinator (C/MPDCs). Matatapos ang nasabing seminar bukas kung saan gaganapin ang aktwal na pagbusisi sa mga dokumentong isinumite ng mga aplikante.

Isa sa pinaka-layunin ng Socialized Housing Program ng pamahalaang panlalawigan sa direktiba ni Governor Catamco na taong 2028 ay wala nang homeless-landless na mamayan sa lalawigan.

Ito ang inilahad ni Cotabato Socialized Housing TWG Vice Chair Basilio E. Obello, Jr. kasabay ng unang araw na Orientation- Training Seminar sa Capitol Rooftop, Amas, Kidapawan City.

Sinabi ni Obello na maraming mga Cotabateno ang hanggang sa ngayon ay hirap parin na magkaroon ng sariling bahay dahil sa mataas na amortization ng mga housing loans at sa komplikadong prosesong ng mga dokumentong kinakailangan; dahilan kung bakit hanggang ngayon ay marami parin ang nangungupahan.

Sa ngayon, abot na sa 3,534 ka tao ang nabigyan ng orientasyon mula sa. iba’t ibang LGU. Hindi pa kabilang dito ang 1,288 na mga walk-in clients at ang 486 na mga empleyado ng probinsya na naghayag din ng interes sa nasabing programa.

Samantala, inihayag naman ni Atty. Saco kay Governor Catamco ang paghanga nito sa mga bumubuo ng socialized housing program sa lalawigan dahil aniya Kay mabilis aniya ang pag-usad kumpara sa mga previous engagements nito sa ibang LGUs.

Umaasa ang ina ng lalawigan na sa tulong SHFC, mapapadali ang pag-implementa ng murang pabahay program sa lalawigan upang mabigyan na ng maayos at desenteng tahanan ang bawat Cotabateño lalo na ang mga displaced families dulot ng kalamidad sa probinsya.//idcd-pgo//

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.