North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

TTMF ng LGU Pikit binuksan na

1 min read

Pormal na binuksan ang operasyon ng 16-Bed Capacity Temporary Treatment and Monitoring Facility ng Lokal na Pamahalaan ng Pikit ngayong araw.

Simple subalit makasaysayan ang cutting of ribbon na ginawa ng LGU sa pangunguna ni Vice Mayor Muhryn Sultan Casi kasama si Governor Nancy Catamco, IPHO Chief Dr. Eva Rabaya, PIATF Incident Commander BM Philbert Malaluan, SP Ex-Officio Member ABC Fed. President Dulia Sultan at MHO Dr. Edwin Cruzado at mga kawani ng DOH.

Sinabi ni Cruzado na tugon ito ng LGU sa kahandaan na nais makita ng DILG at DOH. Ang pasilidad ay laan lamang sa Covid 19 positive na asymptomatic at may mild manifestation.

Pinuri ni Governnor Catamco ang liderato ni Mayor Sumulong Sultan sa pagpatayo ng pasilidad at ibinalita ang pagbigay nya ng isang ambulansya para magamit ng MHO, liban pa sa suporta ng mobilisasyon, bigas at pagkain. Ang okasyon ay isinabay sa ginawang honorarium distribution at RESBAKUNA ng mga frontliners ng tatlong Hospital sa Pikit. || Poblacion, Pikit (March 19, 2021)

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere