North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Anti-Poverty Sec. saludo kay Gov. Catamco sa pag-implementa ng ELCAC

2 min read

President Roxas (March 18, 2021)- Nagpaabot ng kanyang pagsaludo si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Noel K. Felongco sa liderato ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa maayos at epektibong implementasyon ng EO. 70 o whole-of-the-nation approach sa lalawigan ng Cotabato.

“Swerte kamo kay ara kamo gobernadora kag lideres nga ga-reach out gid, nanaog gid sa mga barangay para masigurado nga maayo ang implementasyon sa EO.70,” ayon kay Secretary Felongco.

Naging panauhin ang kalihim sa isinagawang Nagkakaisang Adhihakain para sa mga Cotabateños, Lokal Serbisyo Caravan (NAC-LSC) ngayong araw, Huwebes, sa Barangay Mabuhay, President Roxas, Cotabato kung saan

mainit ang naging pagtanggap ng mga residente bata man o matanda sa mga kawani ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na bumisita upang magbigay serbisyo.

Ilan sa mga serbisyong naipamahagi sa isinagawang NAC-LSC ay ang sumumusunod: planting materials, nodules of goat, livelihood assistance, free birth certificate processing, supplemental feeding, hygiene kits, food packs, wheelchairs, bags and school supplies, disaster manuals, medicines and vitamins at iba pang serbisyong kailangan ng barangay.

Makakatanggap rin ang barangay ng P20 milyong halaga ng barangay development fund mula sa PTF-ELCAC.

Labis naman ang pasalamat ni Governor Nancy A. Catamco sa lahat ng ahensyang patuloy na sumusuporta sa Provincial Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) lalo na sa pagsisikap nitong maiparamdam ang serbisyo ng gobyerno sa mga pamayanang apektado ng insurhensiya.

Dumalo rin sa nabanggit na aktibidad si Board Members Krista Piñol-Solis, Philbert G. Malaluan, President Roxas Municipal Mayor Jonathan Mahimpit, DILG Provincial Director Ali B. Abdullah, Barangay Captain Joseph Escaros, line agency representatives, PNP and AFP officials at Provincial Government chiefs of offices.//pgo-idcd//

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

 

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.