North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Senator Bong Go, personal na namimigay ng tulong sa market vendors ng Kidapawan City! Suporta sa pamunuan ni Gov. Catamco pinalakas!

2 min read

Maninit na sinalubong ang pagbisita ni Senator Bong Go sa Lungsod ng Kidapawan, sa pangunguna ni Governor Nancy Catamco sa Kidapawan Pilot Central Elementary School ngayong araw. Kasama ng Gobernador si BM Philbert Malaluan, BM Dulia Sultan, Tulunan Mayor Reuel Pip Limbungan, Banisilan Mayor Jesus’ Alisasis at Vice Mayor Jivy Roe Bombeo ng Kidapawan City.

Ayon kay Sen. Go, dala niya ang malasakit at serbisyong tatak Duterte sa sambayanan. “Bumaliktad ang panahon dahil sa covid 19. Magtinabangay lang ta, malalampasan din natin ang pandemya huwag kayong matakot sa bakuna, matakot kayo sa covid 19.

Ang covid 19 po ang nakakamatay at bakuna lamang ang tanging susi at solusyon para unti unti tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay, unti unting magbubukas ang ekonomiya natin. Huwag kayong mag alala, hindi kayo pababayaan ng ating Presidente.”

Binigyan diin rin ng Senador ang pakikipagtulungan sa pamunuan ni Governor Catamco sa pamagitan ng Malasakit Center, ayuda sa mga biktima ng lindol at mga programa para sa pag angat ng ekonomiya.

Pinaalalahanan din ng Senador ang buong mamamayan na huwag maging kumpyansa. Sumunod sa gobyerno at panatilihin ang safety health protocols. “Ang kailangan po ng ating mga kababayan ay tulong. Serbisyo at tulong mula sa gobyerno,” ayon pa sa senador.

Binigyang diin rin ng Senador na hindi siya interesado sa pulitika, at hangad lang niya ay ang malampasan ang pandemya. Dahil hangga’t hindi pa nalalampasan ang pandemya, wala na ring pulitikang pag uusapan. Nananawagan din siya sa lahat ng mga kababayan na kalimutan muna ang pulitika, magserbisyo at magmalasakit muna sa kapwa Pilipino.

Bilang ayuda sa mga market vendors, namahagi naman si Sen. Go ng mga grocery packs, vitamins, facemask, face shield, 25 na mga bisekleta, at 25 computer tablets, at 5 pares ng sapatos pambabae at panlalaki.

Nasa okasyon din ang mga Brgy. Kapitan na sina Arnold Sumbling ng Brgy. Poblacion, Julio Labinghisa ng Magsaysay, Jon Karl Sibug ng Sudapin, Angelo Saniel ng Balindog, Alberto Canonoy ng Lanao, Morgan Melodias ng Manongol, Eduardo Loma ng Singao, at Roger Toledo ng Sibawan, Commander 1002 BDE 10ID PA Brigade Gen. Potenciano Camba, Deputy Commander 1002 BDE 10ID PA Col. Ted Dumosmog, North Cotabato Police Director P/Col. Henry Blanca Villar, at Kidapawan Chief of Police Lt. Col. Ramel Hojilla.

|| KIDAPAWAN CITY (March 20, 2021) PGO-MEDIA TEAM

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.