North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Lalawigan ng Cotabato patuloy na naghahanda sa malawakang pagbabakuna kontra Covid-19, dagdag pang 2.1M honoraria ng frontliners natanggap na

1 min read

Marso 18, 2021- Patuloy ang ginagawang paghahanda ng Lalawigan ng Cotabato sa isasagawang malawakang pagbabakuna kontra Covid-19.

Ngayong araw pinangunahan ng provincial government ang Covid-19 simulation activity sa bayan ng Aleosan at vaccination campaign sa bayan ng Pikit na aktibong sinuportahan ng mga lokal na opisyales ng nasabing bayan.

Sa kanyang mensahe,nagpasalamat si Governor Nancy A. Catamco sa mga frontliners na katuwang ng pamahalaang panlalawigan sa mga health programs nito. Hiniling din ng Gobernadora na ipaabot ang tamang impormasyon tungkol sa bakuna sa mga barangay.

Nagbigay naman ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng bakuna at benepisyo nito si Covid-19 Incident Commander Philbert Malaluan at nangakong pupunta sa mga barangay kasama ang Integrated Provincial Health Office upang magsagawa ng information drive.

Kasabay ng simulation at vaccination campaign activities ang pamamahagi ng honoraria sa 513 barangay health workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNSs) at Day Care Workers ng mga nabanggit na bayan na nagkakahalaga ng P2.1 milyong piso.//pgo-idcd//

Photo credit: Melchor Bayawan

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.