North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

P28.5M inilaan ng pamahalaang panlalawigan para sa water system project

2 min read

Amas, Kidapawan City (Marso 22,2021)- Upang matiyak na mayroong malinis at sapat na maiinom na tubig ang mga malalayong barangay sa lalawigan naglaan ng pondong P28.5 milyong piso ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato para sa pagpapatubig ng labing-anim (16) na barangay sa lalawigan. Ang nasabing pondo ay nagmula sa 20% development fund ng lalawigan para sa taong 2021.

Ilan sa mga barangay na makakatanggap ng nasabing proyekto ay ang sumusunod: Pentil, Aleosan; Dolores, Antipas; Thailand, Banisilan; Malabuan, Bato, Indangan at Sitio Puso, Sinkatulan,Makilala; Salvacion, Sarayan, at Lampayan, Matalam; Baliki,Midsayap; Magallon, at Nueva Vida, M’lang; Banucagon Pigcawayan; Idaoman President Roxas; at Purok 5, Nabundasan Tulunan.

Sa kanyang live interview sa himpilan ng DXND sa Kidapawan City, binigyang diin ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang kahalagahan ng malinis at sapat na maiinom na tubig sa bawat komunidad ito ay kasunod ng pagdiriwang ng World Water Day ngayong araw, Marso 22, 2021.

“Water is life. Kinahanglan tagaan gyud prayoridad ang paghatag ug limpyo ug mainom nga tubig sa mga kabaranggayan,” wika ni Catamco.

Pinaalalahanan din nito ang mga opisyal ng barangay na kung hihingi ng proyekto sa lalawigan ay iprayoridad ang paglalagay ng water system lalo na sa mga malalayong sitio o barangay na wala pang access sa malinis at maiinom na tubig.

Hinikayat din nito ang mamamayan ng lalawigan na maging responsable at matipid sa pagamit ng tubig at pagsikapang pangalagaan ang mga watersheds sa pamamagitan ng pagtatanim ng punong kahoy.

“Kinahanglan ibutang nato sa atoang alimpatakan kung unsa ka importante ang tubig. Kini dili lamang responsibilidad sa gobyerno, kundili responsibilidad sa matag-usa kanato.” //idcd-pgo//

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.