North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

LIBRO NG MAKULAY NA KULTURA AT TRADISYON NG TRIBU, INILABAS NG NCIP 12

2 min read

Makulay at puno ng pasasalamat at papuri ang pagbukas sa North Cotabato ng tatlong libro ang: PAGKILALA, PAGGALANG at PAGTATAGUYOD na nagpapakita sa kahalagan ng kultura, tradisyon, paniniwala at pananaw ng mga tribu. Ang mga libro ay ipinalabas ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa ilalim ng proyektong EPANAW.

“Pwede po bang ipaaabot natin sa mga komyunidad na hindi po kayo pinabayaan ng Gobyerno. Mahal po kayo ng Gobyerno. Ito ang dahilan kaya mayroon tayong ganitong mga aktibidad para po itaguyod at kilalanin ang ating tribu.”

Bahagi ito ng panawagan ni Regional Director Eduardo Marquez ng NICA na dapat ay tangkilikin ang Libro upang mapalawak ang kaalaman ng lahat tungkol sa tribu.

Ang tatlong kategorya ng EPANAW (na ang ibig sabihin ay maglakad) ay nagsasalaysay patungkol sa “PAGKILALA” ng kabuuang pagkatao ng mga ICCs/IP’S, ang tunay na pinagmulan, tirahan, pananamit at kung bakit mahalaga ang Ancestral Domain. Ang pangalawang bahagi ay tumutukoy sa “PAGGALANG” ng bawat ritwal at pagtitipon ng tribu na dapat ay isabuhay pa rin ng mga bagong henerasyon ngayon. Respetuhin ang katayuan sa buhay, customary laws at magtamo ng pantay na serbisyo mula sa gobyerno/ social justices. Sa pangatlong bahagi dito nakasulat ang “PAGTATAGUYOD” sa pagpreserba ng mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na sakop ng Ancestral Domain.

Bilang kinatawan ng Gobernador naghayag ng pasalamat si Atty. Ermelo Libre “I really appreciate this book launching because this books now becomes a permanent and depository of everything that I.P Culture should be preserved.” World Class kung ilarawan niya ang aklat na ito. Sinabi pa ni Atty Libre na kung naroon sa okasyon si Governor Nancy Catamco siguradong marami siyang maikwento sa ganda at kabutihang taglay ng kultura. Hindi lamang dahil sa malaki ang malasakit niya dito kundi dahil matagal na niya itong adbokasiya ang makilala, mabigyan ng pantay na serbisyo at proteksyon sa batas ng Gobyerno ang mga Tribu.

Binati ni Atty. Libre ang National Commission on Indigenous People sa pangunguna ng NCIP Commissioner Bae Limpayen Sibug-Las dahil sa matagumpay na paglunsad ng programa. Malaking tulong ito sa pagbigay kaalaman sa publiko hinggil sa mga kultura at tradisyon ng mga katutubo.

Naipamalas sa okasyon ang iba’t-ibang talento sa pagsayaw, pagtugtog ng Kulintang, Kuglung, Souroy, Lantuy, Kombeng at Saayow to Uvaa/Monkey Dance.

Dumalo sa aktibidad sina Division IPED Focal Person Jeniz Evangelio, Regional Director NCIP XII Jeanne Anne Mundeg-Zoilo, PD Eric Raz, IP Affairs Coordinator Bae Leah A. Labrador, Jonathan Abel, Datu Jayson Roy Sibug, Provincial IPMR Jaime Odo, Municipal IPMR Lutero Pampangan, City IPMR Datu Radin Igwas, Datu Iniosar Lambac, Datu Samuel Laman, Datu Roger Gullava, Datu Daniel Saliling, Datu Arsenio Ampalid, Datu Veloso Suhat III, Cotabato City IPMR Bae Amie Lynn Dolores, Provincial Tourism Officer Josephine Abellana at 2nd Lt. Reniel B. Dela Cruz || Kidapawan City(March 21, 2021)

PGO MEDIA TEAM

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere