North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Malaking kooperatiba ng Cacao sa NCOT nagpapasalamat kay Gob NC

1 min read

Nagpapasalamat kay Gob. Nancy Catamco ang Household Multi-Purpose Cooperative (HMPC) sa pangunguna ng Chief Executive Officer nitong si Reynold Alejo.

“Alam natin na napaka-supportive talaga ng ating Gobernador sa agrikultura. Kamiy nagpapasalamat na mabigyan ng pagkakataon na ma-showcase itong ating prudokto,” pahayag ni Alejo.

Ang HMPC ay may kabuo-ang 995 ektaryang plantasyon ng Cacao sa ibat-ibang lugar sa ng North Cotabato na may 733 individual farmers.

Matatagpuan ang kanilang post harvest facility sa Brgy. Luhong, Antipas. Ang prudoktong binibenta nila ay Tableya, Fermented at Unfermented seeds.

Nagpapasalamat din si Alejo sa tulong ng Gobernador na maayos na ang daanan papasok sa kanilang plantasyon.

Tinungo kanina ng Provincial Investment team ang HMPC sa pangunguna ni Norito Mazo at Margian Warner, kasama si Gory Paron.

Source:https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.