North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Strawbery Planters ng Ladayon, Arakan tutulongan ng Probinsya

1 min read

Tutulongan ng Probinsya ang Micro Small Medium Enterprise na Strawbery Planters ng Barangay Ladayon, Arakan sa pamamagitan ng kampanya sa promosyon ng kanilang prudokto sa social media.

Kanina ay tinungo ng Provincial Investment and Promotion Center sa pangunguna ni Norito Mazo at Margian Warner ang mga MSMEs upang iparating ang “Buy Local Go Global” na programa ni Gob. Nancy Catamco.

Natuwa naman ang may-ari ng Thanie Strawbery Farm na sina Mr. Nathan Tinagsa at Mrs. Conie Lang-ay sa Sitio Matigol, Ladayon sa programa.

“Dako nga ikatabang ang progama kay para makabangon mi tungod sa COVID-19. Ug aron makabalik nasad ang among mga trabahante,” paliwanag ni Mr. Tinagsa.

Nagbebenta rin sila ng kakaibang Strawbery wine at Jam. Maari nyo silang padalhan ng mensahi o tawagan sa numerong 0998-204-4394.

Samantala, ang Jet Strawbery Farm na pinagmamay-ari nina Mr. Archie Ramirez at Mrs. Jelvy Ramirez ay nagpapasalamat sa programa ng Gobernador na makilala pa ang kanilang prudokto.

Saludo rin si Ladayon Brgy. Chairman Jonathan Ramirez sa magandang programa ng Gobernador para sa mga magsasaka.

Kasama ng investment team si Arakan Local Economic Investment Promotion Officer Sir, Erick Alpas at sir Gory Paron.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere