North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Higit 2M halaga na kagamitang pansaka binigay sa mga fruit at veggie farmers sa Cotabato

2 min read

Amas, Kidapawan City (March 30, 2021) – Magiging mas mahusay na ang pagtatanim at pag-ani ng mga gulay at prutas sa lalawigan matapos tumanggap ng iba’t ibang kagamitang pansaka ang mga vegetable at fruit farmers nitong araw ng Martes.

Isang turnover program ng nasabing mga kagamitan ang isinagawa kaninang umaga sa Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture XII sa ilalim ng High Value Crops Development Program (HVCDP) Interventions nito.

Masaya namang tinanggap ng mga benepisyaryo ang 10,000 meters HD PE Pipe na gagamitin sa patubig sa gulayan, 8 rolls rain shelter, 10 units Pole Pruner, 2 units mini chainsaw, 800 pcs plastic crates, at one (1) roll UV Plastic.

Base sa datus mula sa OPAg, ang nasabing mga kagamitan ay nagkakahalaga ng mahigit PHP2 milyong piso na pakikinabangan ng mga magtatanim ng prutas at gulay sa lalawigan ng Cotabato.

Ayon kay Provincial High Value Crops Coordinator Fidel C. Raya, ang nasabing mga kagamitan ay ayon sa request ng mga magsasaka at naayon sa kanilang pangangailangan.

Sa kanyang mensahe, pinaabot ni Provincial Administrator Efren F. Piñol ang pagsaludo at pasalamat ni Governor Nancy A. Catamco sa mga fruit and vegetable farmers na isa sa naging katuwang ng pamayanan upang siguraduhing may masustansyang pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilya.

Nagpaalala din si PA Piñol sa mga beneficiaries na alagaan ng mabuti ang mga natanggap na kagamitan at umaasa din ito na mapakinabangan ang nasabing mga gamit sa pagsasaka ng higit na nangangailangan.//idcd-pgo//

Photo credit: Sidney M. Nanini

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.