Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

SPES Program ni Gov Catamco para sa 2021 umaarangkada na

181 estudyante at Out of School youth ang sumailalim sa orientation at contract signing sa Special Program for Employment of Students o mas kilala bilang “SPES” na ipinatutupad ni Governor Nancy A. Catamco

katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito’y kabilang sa mga regular na programa na

bigyan ng oportunidad ang mga kabataan na makahanap ng temporaryong trabaho at makatulong sa kanilang magulang lalo na ngayong panahon ng pandemya .

Ayon kay Ms. Reinalyn Nicolas designated PESO manager, ang 181 na napili ay mahahati sa tatlong batch na ma de-deploy sa kani-kanilang mga Barangay. Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng kabuuang halaga na ₱10,500.80 kung saan ang 60% o ₱6,300.48 ay magmumula sa lalawigan ng Cotabato at ang 40% o P4,200.37 ay sa pundo naman ng DOLE.

Pinaalalahanan ni Provincial Administrator Efren Piñol ang mga kabataan ng SPES na sundin ang mga panuntunan na itinakda ng SPES program at maging ehemplo bilang kabahagi ng malaking pamilya ng Provincial Government of Cotabato.

Ang paalala ng Gobernador sa mga estudyante at kabataang nabigyan ng ayuda ng pamahalaan na gamitin ng tama ang kanilang natanggap. “If you have commitments within yourselves, everything else follows. It’ how you package your products and services, then you are also packaging yourselves – that’s integrity.” Amas, Kidapawan City, North Cotabato//PGO MEDIA AFFAIRS.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

P3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov CatamcoP3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov Catamco

Amas,Kidapawan City (June, 17, 2021) -Isang bagong pag-asa ang nakita ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco matapos nitong tinanggap ang higit sa P3.5 milyong pisong share ng probinsya bilang host province ng Mt. Apo Geothermal Power Plant sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City. Tinanggap ngayong araw ng Huwebes ni Governor Catamco

Unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday” naging matagumpayUnang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday” naging matagumpay

Amas, Kidapawan City- Naging matagumpay sa lalawigan ng Cotabato ang unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday.” Ito ang inanunsyo ni Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Deputy for Admin Lt.Col Bernard Tayong sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting nitong araw ng Lunes, Mayo 31, 2021