North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Tulunan tatanggap ng 8M cash-for-work assistance

1 min read

Amas, Kidapawan City (April 21, 2021) – Magiging benepisyaryo ang bayan ng Tulunan ng abot sa P8M cash-for-work assistance mula sa pamahalaang nasyunal sa tulong ng pamahalaang panlalawigan.

Labis ang pasasalamat ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi nito binigo ang kanyang kahilingan na maabutan ng tulong ang mga Tulunense sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.

Ngayong araw 988 TUPAD beneficiaries mula sa sampung barangay at isang organisasyon sa nasabing bayan ang dumalo sa isinagawang orientasyon ng DOLE patungkol sa programa.

Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na may hangaring matulungan ang mga displaced workers na naapektuhan ng pandemiya at iba pang sirkumstansiya na mabigyan ng pansamantalang trabaho sa loob ng 10 hanggang 30 araw sa pakikipagtulungan ng mga Local Government Units.

Ayo kay DOLE North Cotabato Field Officer Marjorie Latoja makakaasa din ng kahalintulad na programa mula sa DOLE ang iba pang bayan sa lalawigan.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad sina 3rd district Congressman Jose I. Tejada, at Tulunan Mayor Reuel Limbungan.//idcd-pgo//

Source: https://www.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.