Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Rural Transit Mindanao Inc. Papasada mula Cagayan de Oro tungong Cotabato City via Bukidnon at North Cotabato Province vice versa.

Malaking tulong ang hatid nito sa ekonomiya at tinatanaw na isang itong magandang balita, sabi ni Governor Nancy Catamco.

Humarap ngayong umaga sa Gobernador si RTMI Branch Manager John Del Castillo kasama ang Area Supervisor na si Dominic Aranio at Legal Officer na si Celer Estologa. Opisyal nilang ipinaabot ang plano ng kanilang kompanya at ang detalye ng route.

Hiniling ng Gobernador ang masusing pagtalima sa health protocol upang matiyak ang proteksyon ng mga pasahero. Hiniling rin ng Gobernador na makipag-ugnayan ang RTMI sa mga Mayor at Opisyales ng Bayan na sakop ng kanilang rota.

Sinabi ni Del Castillo na kabilang ang social distancing sa kanilang pinaghandaan. Inaasahan na P541 ang pamasahe mula CDO city tungo ng Cotabato City at magsisimula na agad ang kanilang byahe ngayong susunod na linggo. Nagpasalamat si Del Castillo sa suporta ni Governor Catamco sa sektor ng transportasyon.

Source: https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

P3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov CatamcoP3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov Catamco

Amas,Kidapawan City (June, 17, 2021) -Isang bagong pag-asa ang nakita ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco matapos nitong tinanggap ang higit sa P3.5 milyong pisong share ng probinsya bilang host province ng Mt. Apo Geothermal Power Plant sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City. Tinanggap ngayong araw ng Huwebes ni Governor Catamco

Integrated Health Care System para sa mga North Cotabatenos, ilulunsad naIntegrated Health Care System para sa mga North Cotabatenos, ilulunsad na

Mas mabilis at mahusay na serbisyo para sa kalusugan ang nakatakdang ihatid ng pamunuan ni Governor Nancy Catamco sa pagpapatupad ng pinag-isang (integrated) health care system sa North Cotabato. Ito ang bahagi ng napag-kasunduan ng Gobernador at ni Department of Health (DOH) XII Regional Director Aristides Concepcion Tan kasama si