North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

P835K na sweldo ng TUPAD beneficiaries sa lalawigan ipinamahagi

2 min read

Amas, Kidapawan City (May 4, 2021)- Ipinamahagi ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato ang P835,000 na sweldo ng 167 Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) beneficiaries.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Provincial Capitol Covered Court, Amas, Kidapawan City nitong araw ng Martes, na pinangunaganahan ni Governor Nancy A. Catamco at DOLE North Cotabato Field Officer Marjorie P. Latoja.

Sa mensahe ng ina ng lalawigan binigyang din nito ang kahalagahan ng pagiging matatag sa kabila ng mga pagsubok at pagiging mapagpasalamat sa simpleng biyayang natatanggap.

Pinaalalahanan din nito ang mga benepisyaryo na gamitin sa makabuluhang bagay ang natanggap na pera mula sa gobyerno.

“Ang tanan problema masolusyunan, ang tanan butang madiskartehan ang importante ang atong maayong panglantaw, ang atong faith sa atong sarili ug sa Ginoo magpabilin kay mao kana ang magpalig-on kanato,” dagdag pa ni Governor Catamco.

Ang nasabing programa ay pinondohan ng DOLE sa pakikipagtulungan ng provincial government kung saan ang mga mapipiling benepisyaryo ay magtatrabaho sa loob ng 14 na araw at tatanggap ng P5,000 sahod mula sa ahensya.

Ayon kay DOLE NCot Field Officer Latoja na aasahan pa ang pagbibigay ng sahod ng iba pang batches ng TUPAD beneficiaries sa lalawigan sa darating na araw.

Nabanggit naman ni Provincial PESO Manager Designate Reinalyn Nicolas, na naglaan ang DOLE ng P10M pondo para sa lalawigan ng Cotabato para sa qualified TUPAD program beneficiaries.

Dumalo rin sa aktibidad sina Board Member Krista Piñol Solis, PHRMO Head Erlinda B. Catalan, at Vice Chair of Provincial Socialize Housing Program Basilio Obello, Jr.//idcd-pgo//

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere