North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Pagtatanim ng kawayan isinusulong sa lalawigan

1 min read

Amas, Kidapawan City- Suportado ngayon ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco ang programang pagtatanim ng kawayan sa mga landslide and mudslide prone areas sa lalawigan ng Cotabato.

Sa isinagawang Bamboo Forest Project Orientation/Briefing via zoom platform ngayong araw, May 3, 2021, iprenisenta ni Mindanao Development Authority (MinDA) Chairman Emmanuel F. Piñol ang nasabing proyekto at ang magiging benepisyo nito sa Cotabateños partikular na sa mga areas ng Arakan, Antipas, President Roxas, Kidapawan City, Magpet at Makilala.

Inihayag din ni MinDA Chair Piñol ang kahandaan ng Development Bank of the Philippines-Forest Project (DBP-FP) na suportahan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng 100% cost para sa planting stocks, 40% cost para sa site preparation, at 10% Cost para sa livelihood assistance ng mapipiling Local Government Units.

Positibo naman ang tugon ni Governor Catamco sa nasabing programa at handa itong makipagtulungan sa MinDA upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.

“This project will really help the province especially those areas severely affected by earthquakes,” wika ni Governor Catamco.

Binigyang diin din nito na ang pagtatanim ng kawayan ay hindi lamang makakatulong sa reforestation ng kagubatan, makakapigil din ito sa pagbaha at makapagbibigay ng livelihood opportunities sa mga mamayan ng lalawigan.//idcd-pgo//

Source: https://web.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.
Newsphere