North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Suporta ni Governor Catamco para sa proteksyon ng Ancestral Domain Pinasalamatan ng NCIP

2 min read

Nagpasalamat ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa suporta ni Governor Nancy Catamco sa pagtiyak na patuloy na maproteksyunan ang mga lupang ninuno, pagsulong ng edukasyon at pag angat sa pamumuhay ng mga tribu sa Probinsya.

“We have already presented our plans and programs to Governor Nancy A. Catamco for the entire CADT and CADC areas in North Cotabato, and, nalipay mi sa suporta sa Gobernador arun masiguro na mapatuman kini.” ayon kay NCIP Provincial Officer Eric John Paul Raz sa ginawang talakayan na bahagi ng pagbuo ng ADSPP ng Obo- Manuvu ICC Unified CADT sa bayan ng Magpet. Ginanap ito sa Lighthouse resort ng Brgy Bantac.

Ang aktibidad ay dinaluhan ni Magpet Mayor Florenito Gonzaga, myembro ng Sangguniang Bayan, Barangay Opisyales at Indigenous Peoples Representatives mula sa Barangay at mga myembro ng Council of Elders.

Layon ng aktibidad na mapag-isa ang direksyon ng mga programa ng mga ahensya ng pamahalaan na papasok sa loob ng mga komyunidad na saklaw ng CADC. Dahilan ito upang imbitahin ng NCIP ang mga kinatawan ng ahensya ng DENR, DAR, DepEd, DOLE, DOH, DPWH, DTI, PNP, TESDA, MKWD, NHA DILG at mga Heads if Offices ng LGU Magpet.

Basi sa presentasyon ng IP/AD Development Framework ni Datu Joel Buntal, lumabas ang kahalagahan ng tamang kaunlaran na kakailangan ng komyunidad. Hindi lamang ito naka-sentro sa imprastraktura kundi nakatutok rin sa proteksyon ng natural na yamang gubat, yamang tubig at ang at mga lupain. Nandun din ang pagtiyak ng tamang edukasyon, proteksyon ng kalusugan at pagtuloy na pagyamanin ang kuktura at tradisyon sa harap ng modernong panahon.

Naniniwala si Mayor Florenito Gonzaga na mahalaga ang ugnayan ng tribu at lokal na pamahalaan upang maging matagumpay ang programa. Bagaman, sinabi nito na repasuhin pa ng LGU ang mga aprobadong plano ng tribu at tingnan kung naayon ito sa mga prayoridad ng LGU.

Nasa pulong sina PGO Food Security Team Member Ramiel Apostol, Municipal Councilor Rofel Pelonio, NCIP Region XII TMSD chief Joey Bogay at Municipal IPMR Iniosar Lambac, Joyce Monique Mondragon ng NCIP Provincial Office.

Source:https://web.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.