Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

Unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday” naging matagumpay

Amas, Kidapawan City- Naging matagumpay sa lalawigan ng Cotabato ang unang linggo ng implementasyon ng “No Movement Sunday.”

Ito ang inanunsyo ni Cotabato Police Provincial Office (CPPO) Deputy for Admin Lt.Col Bernard Tayong sa isinagawang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council Meeting nitong araw ng Lunes, Mayo 31, 2021 kung saan sinabi nito na 141 na mga violators sa buong lalawigan ang nahuli ng PNP dahil sa paglabag sa pinapairal na executive order sa probinsya.

Ang mga nahuling violators ay pinatawan ng karampatang penalidad batay sa umiiral na ordinansa o batas na ipinapatupad sa kani-kanilang lokal na pamahalaan.

Simula kahapon, Mayo 30, 2021 sinailalim na sa General Community Quarantine ang buong lalawigan batay sa EO-29 na nilagdaan ni Governor Nancy A. Catamco noong nakaraang linggo at matatapos sa Hunyo 30, 2021.

Pinapurihan naman GovernornCatamco si Covid-19 Incident Commander Philbert G. Malaluan, Provincial Liga ng mga Barangay (LnB) Federation President Dulia D. Sultan, PNP, AFP, barangay officials, force multipliers at MAmamayan ng lalawigan sa kooperasyon sa pagpapatupad ng “No Movement Sunday” para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19.

“Thank you everyone sa inyong kooperasyon, alam kong marami tayong hinaharap na problema at challenges sa ngayon subalit dahil tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, nanatili tayong matatag at malakas sa kabila ng mga pagsubok,” wika ng gobernadora.

Tiniyak naman ng gobernador na makakatangap ng tig-sampung (10) sakong bigas ang bawat barangay mula sa pamahalaang panlalalawigan bilang tulong sa maayos nitong pagpapatupad ng “no movement Sunday” policy SA lalawigan. //idcd-pgo//

Source: https://www.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Related Post

163.8m Agricultural Machinery naipamahagi sa mga magsasaka ng palay sa Probinsya163.8m Agricultural Machinery naipamahagi sa mga magsasaka ng palay sa Probinsya

Abot sa P163.8M halaga ng agricultural machinery ang naipamahagi sa mga magsasaka ng palay mula sa Department of Agriculture – Center for Postharvest Development and Mechanization katuwang ang pamunuan ni Governor Nancy Catamco ngayong araw. Nanguna mula sa hanay ng ahensya ng Agrikultura si DA UnderSecretary Zamzamin Ampatuan at PhilMec

Caring for the youthCaring for the youth

As the province beefs up youth development programs and campaigns against drug abuse among young people, the provincial government conducts series of symposiums and consultative workshops engaging youth leaders from all sectors. The Anti-Drug Campaign and Multi-Sectoral Consultative Workshop is designed to involve young leaders from all sectors such as

P3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov CatamcoP3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov Catamco

Amas,Kidapawan City (June, 17, 2021) -Isang bagong pag-asa ang nakita ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco matapos nitong tinanggap ang higit sa P3.5 milyong pisong share ng probinsya bilang host province ng Mt. Apo Geothermal Power Plant sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City. Tinanggap ngayong araw ng Huwebes ni Governor Catamco