North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

3 Variants ng COVID ang nakapasok sa North Cotabato – DOH

2 min read

Tatlong (3) variants ng COVID 19 sa pitong positibong kaso ang naitala sa North Cotabato, ito ang opisyal na pahayag ni DOH Regional Director Aristides Concepcion Tan sa ginawang Joint RTF-RIATF XII ngayong umaga.

Kabilang sa nakita nang variant ay ang tatlong (3) kaso ng Case 1 (B.1.1.17 Variant Case (UK) , tatlong (3) kaso ng (B.1.1351 Variant) o African at isang ( 1) kaso na (variants of concern/ mutation with potential clinical significance.

Nilinaw ni Director Tan na walang clinical observation na nairecord na mas mabilis itong nakakahawa at nakakamatay, bilang sagot sa katanungan ni Governor Nancy Catamco na kasama sa pulong

Sa kanilang obserbasyon, mayroon lamang nakitang genome alterations sa original na COVID 19 variant pero hindi naman nangangahulugan na mas nakamamatay ito.

Pareho pa rin ang treatment na natatanggap ng nga pasyente na naibigay basi sa rekomendasyon ng DOH at sasailalim pa rin sa standard quarantine protocol, ayon kay Director Tan.

Hiniling ng Gobernador sa DOH na mabigyan siya ng dagdag na detalye tulad ng lugar kung saan ito nakita at iba pang mga dapat mapaghandaan. Nilinaw rin ng DOH na ang case recording ay simula pa noong nagkaroon ng recorded positive case. Nagpasalamat rin ang Gobernador sa pahayag ni Director Tan kaugnay sa pagtutok sa mga nararapat na treatment sa pasyente.

Abot sa 53 ang partisipante ng pulong na pinangunahan ni RTF Director Minda Morante, DILG Director Josephine Cabrido-Leysa, DoH Director Aristides Tan, IPHO Chief Eva Rabaya, DILG Provincial Director Ali Abdullah, DILG ARD Ailyn Ortiz, DOE-MFO Darwin Galang, DPWH RD Basir Ibrahim, Governor Steve Solon, DOT Regional Director Armin Hautea, NEDA RD Cocoy Ramos, PIA RD Cathy Apelacio, DepEd RD Carlito Rocafort, CHED RO Stephanie Bolido at ang Office of the Civil Defense bilang Secretariat

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.