Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

BOMBO FLASH: 3 front liners patay sa pagkasunog ng isang bus sa national highway sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Patay ang 3 katao sa pagkasunog ng isang bus ng Yellow Bus Lines Incorporated (YBL) sa bahagi ng national highway Bialong Mlang, North Cotabato pasado alas-4:45 hapon ng Huwebes.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Mlang PNP, isang unit ng YBL na may body number A-104 na may temporary plate number 1301-1245660 na naghahatid sundo ng mga front liners na galing Kidapawan City ang nasunog.

Tatlong mga bangkay na hindi pa nakikilala ang natagpuan sa loob ng bus matapos ang sunog matapos na hindi pinalad na makalabas.

Sa inisyal na report, sinadya umano itong sinunog ng isa sa mga hindi pa nakikilalang pasahero sa pamamagitan ng pagsaboy ng gasolina at sinilaban.

Apat na pasahero ng bus din ang dinala sa pagamutan.

Habang nasa kustodiya na ngayon ng M’lang PNP ang driver at inspector ng nabanggit na bus.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Photo courtesy to Josephine Dela Cerna Gocotano & Ramilyn Buenavia

Source: https://www.facebook.com/bomboradyokoronadal

Leave a Reply

Related Post

Kasiyahan at pasalamat sa halos P2M suporta sa mga biktima ng Lindol sa Barangay BalabagKasiyahan at pasalamat sa halos P2M suporta sa mga biktima ng Lindol sa Barangay Balabag

Masigabong palakpak ng kasiyahan kalakip ng taos pusong pasasalamat ang sumalubong kay Governor Nancy Catamco makaraang pangunahan nito ang pamamahagi ng ayuda sa mga labis na naapektuhan ng lindol noong 2019 sa Barangay Balabag, Kidapawan City. Abot sa P1, 960,000 ang ipinamahagi ng gobermadora para sa 196 na mga residente