Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

BOMBO FLASH: 3 front liners patay sa pagkasunog ng isang bus sa national highway sa North Cotabato

KORONADAL CITY – Patay ang 3 katao sa pagkasunog ng isang bus ng Yellow Bus Lines Incorporated (YBL) sa bahagi ng national highway Bialong Mlang, North Cotabato pasado alas-4:45 hapon ng Huwebes.

Sa inisyal na impormasyon mula sa Mlang PNP, isang unit ng YBL na may body number A-104 na may temporary plate number 1301-1245660 na naghahatid sundo ng mga front liners na galing Kidapawan City ang nasunog.

Tatlong mga bangkay na hindi pa nakikilala ang natagpuan sa loob ng bus matapos ang sunog matapos na hindi pinalad na makalabas.

Sa inisyal na report, sinadya umano itong sinunog ng isa sa mga hindi pa nakikilalang pasahero sa pamamagitan ng pagsaboy ng gasolina at sinilaban.

Apat na pasahero ng bus din ang dinala sa pagamutan.

Habang nasa kustodiya na ngayon ng M’lang PNP ang driver at inspector ng nabanggit na bus.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente.

Photo courtesy to Josephine Dela Cerna Gocotano & Ramilyn Buenavia

Source: https://www.facebook.com/bomboradyokoronadal

Leave a Reply

Related Post

Gob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa MlangGob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa Mlang

Nag-occular inspection si Gob. Nancy Catamco sa ginagawang Central Mindanao Airport ngayong hapon sa bayan ng Mlang. Layunin ng Gobernador na ma-monitor at masiguro nitong tuloy-tuloy ang trabaho sa paliparan sa kabila ng pandemya. Kasama ng Gobernador si Mayor Russel Abonado, Vice mayor Joselito Piñol, BM Philbert Malaluan, dating Mlang

P280,000 Tulong pinansyal tinanggap ng mga Residente ng tatlong Brgy ng MagpetP280,000 Tulong pinansyal tinanggap ng mga Residente ng tatlong Brgy ng Magpet

P280,000 TULONG PINANSYAL TINANGGAP NG MGA RESIDENTE NG TATLONG BRGY NG MAGPET Amas, Kidapawan City (20 Enero2021) – Laking pasalamat ng mga nasiraan ng bahay nang nakatanggap sila ng Financial assistance mula sa Provincial Goverment para sa partially at totally na nasira dulot ng nakaraang lindol. P248,000 ang kabuo-ang halaga