Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

P3.5M PLGU share mula sa Energy Development Corporation tinanggap ni Gov Catamco

Amas,Kidapawan City (June, 17, 2021) -Isang bagong pag-asa ang nakita ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco matapos nitong tinanggap ang higit sa P3.5 milyong pisong share ng probinsya bilang host province ng Mt. Apo Geothermal Power Plant sa Brgy. Ilomavis, Kidapawan City.

Tinanggap ngayong araw ng Huwebes ni Governor Catamco ang P3, 594,004 na Provincial Local Government Unit (PLGU) 30% share mula sa Energy Development Corporation (EDC) para sa taong 2018 hanggang 2020.

Labis ang pasasalamat ng ina ng lalawigan sa royalty share na ibinigay ng EDC na nakikita nitong makakatulong ng malaki sa laban kontra Covid-19 ng probinsya kasali na ang pagbibigay ng mga ayuda o programang pangkabuhayan sa nangangailangan.

Ayon kay EDC Community Project Officer IV Froilan D. Garcia ang P2.6M ng nasabing shares na dating inilaan para sa electrification program para sa mga barangay ay gagamitin sa Covid-19 response ng lalawigan ng Cotabato sa kahilingan na rin ni Governor Catamco dahil sa nararanasang pandemiya, at inaprobahan naman ng Department of Energy (DOE).

Samantala, ang higit sa P497K naman ng naturang royalty share ng provincial government ang siya namang ilalaan sa development and livelihood programs ng lalawigan upang matulungan ang mga kababayang apektado ng pandaigdigang krisis.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Provincial Planning and Development Coordinator (PPDC) Cynthia D. Ortega, PPDO Project Officer IV Jonah Balanag, at Provincial Treasurer’s Office Representative Glena Leoncito.//idcd-pgo//

Source: facebook.com/cotabatoprovinceofficial

 

Leave a Reply

Related Post

Anti-Poverty Sec. saludo kay Gov. Catamco sa pag-implementa ng ELCACAnti-Poverty Sec. saludo kay Gov. Catamco sa pag-implementa ng ELCAC

President Roxas (March 18, 2021)- Nagpaabot ng kanyang pagsaludo si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Noel K. Felongco sa liderato ni Cotabato Governor Nancy A. Catamco sa maayos at epektibong implementasyon ng EO. 70 o whole-of-the-nation approach sa lalawigan ng Cotabato. “Swerte kamo kay ara kamo gobernadora kag lideres nga

P835K na sweldo ng TUPAD beneficiaries sa lalawigan ipinamahagiP835K na sweldo ng TUPAD beneficiaries sa lalawigan ipinamahagi

Amas, Kidapawan City (May 4, 2021)- Ipinamahagi ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato ang P835,000 na sweldo ng 167 Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers Program (TUPAD) beneficiaries. Ang nasabing aktibidad ay isinagawa sa Provincial Capitol Covered Court, Amas, Kidapawan City nitong