North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

Alkalde ng bayan ng M’lang nagpasalamat sa kontribusyon ng mga dating opisyales ng bayan

2 min read

M’lang Cotabato- Sa kabila ng pagka kansela ng selebrasyon ng Ika-70 Founding Anniversary ng bayan ng M’lang, Cotabato taos puso parin na nagpasalamat si Mayor Russel M. Abonado sa pamilya ng mga dating opisyales ng bayan.

Ayon kay Mayor Abonado, malaki ang kontribusyon ng mga dating opisyales at mamamayan ng bayan sa tinatamasang tagumpay ngayon ng bawat Mlageños.

Nitong araw ng Biyernes, Agosto 6, 2021 kinansela ng lokal na pamahalaan ng M’lang ang simpleng selebrasyon dahil sa mga naitalang panibagong kaso ng Covid-19 kung saan ayon sa punong ehekutibo 37 frontliners ng bayan ang nagpositibo sa rt-pcr test ngayong araw.

Sa halip na selebrasyon ng kapistahan ay isang pagpupulong ang isinagawa sa M’lang Municipal Gymnasium upang mas mapaigting pa ang kampanya kontra Covid-19, kasama si Cotabato Governor Nancy A. Catamco, 3rd District Representative Jose I Tejada, Provincial Administrator Efren F. Piñol, municipal officials, 37 punong barangay at ilang Department Heads ng local government unit.

Masaya namang nagpaabot ng kanyang pagbati si Cotabato Governor Nancy A. Catamco at nabanggit nito na napakaswerte ng bayan dahil sa malapit ng matapos ang naantalang Central Mindanao Airport, nakatakda na rin ang bidding ng P50M Cotabato Agro-Industrial Park sa barangay Pag-asa.

“Ito na nga ang sinasabi na Go Mlang, Rise and Shine,” wika ng gobernadora.

Kamailan lang ay pinasinayaan ang isang Molecular Laboratory (MoLab) sa M’lang District Hospital na may kakayahang magsuri ng 93 swab samples.

“Sa kabila ng pandemiya at pagsubok ay nanatiling matatag ang bayan ng M’lang dahil sa pagsisikap, pagtutulungan at pagkakaisa ng mga opisyales at kooperasyon ng mga mamamayan,” pahayag ni Governor Catamco.//idcd-pgo//

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.