North Cotabato News

Duma ki! Kuyog Ta!

P1.1M ayuda para sa former rebels ng Magpet Cotabato ipinamahagi

2 min read

Magpet, Cotabato- Ipinamahagi ngayong araw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Cotabato at Armed Forces of the Philippines ang abot sa P1,100,000 na ayuda sa 21 former rebels (FRs) mula sa bayan ng Magpet Cotabato.

Ang ipinamahaging ayuda ngayong araw, Agosto 9, 2021 ay sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) na may layuning tulungang makapagbagong buhay ang mga dating rebelbe na nagbalik loob sa pamahalaan.

Ang aktibidad ay isinagawa sa 1002nd Infantry (Bagwis) Brigade sa Sitio Estremos, Poblacion, Magpet Cotabato na pinangunahan ni Governor Nancy A. Catamco, DILG Provincial Director Ali B Abdullah, BGen Potenciano C. Camba at Cotabato Police Provincial Director Henry Villar.

Sa kanyang mensahe labis na ikinatuwa ni Governor Catamco ang pagbabalik loob ng mga dating miyembro ng makakaliwang grupo.

Hinimok niya ang mga ito na gamitin ang perang tulong ng gobyerno sa pagsisimula ng maliit na negosyo.

Pinaalalahanan niya rin ang mga ito na maging katuwang ng pamahalaan sa kampanya nito na mapanitili ang kapayapaan at katiwasayan sa mga komunidad ng lalawigan.

“Ang gobyerno magsuporta lamang, apan mas dako ang inyong obligasyon sa pagsiguro sa inyong kaugmaon, ug kaugmaon sa inyong pamilya,” dagdag ng gobernadora.

Bago pa nito ay una ng nagpaabot ng tulong pinansyal ang provincial government sa nabanggit na mga former rebels na nagkakahalaga ng P315,000 o tig P15,000 sa bawat sumukong rebelde.

𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐥𝐨𝐨𝐛 𝐧𝐚 𝐢𝐧𝐝𝐢𝐛𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥

Binigyang diin naman ni BGen Potenciano Camba ang pagsisikap ng gobyerno na matulungan ang mga former rebels na ayon sa kanya biktima lamang ng mga maling paniniwala at ideolohiya ng mga surbesibong grupo na walang ibang isinusulong kundi ang ang kanilang pansariling kapakanan.

Binanggit din nito na maliban sa E-CLIP pinapatupad rin sa lalawigan ang programang National Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kung saan ang mga identified conflict barangays ay makakatanggap ng P20M development fund mula sa pamahalaang nasyunal.

Pinasalamatan din nito si Governor Nancy A. Catamco sa walang sawa nitong suporta sa programa ng ELCAC.

Nagpaabot din ng kanyang pagbati at pasasalamat si PD Ali B. Abdullah at tiniyak ang suporta ng DILG sa kampanya kontra insurhensiya.

𝗣𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮

Isa namang panibagong pag-asa para kay Alyas Renante ng Don Panaca Magpet, Cotabato ang pagbabalik loob nila sa pamahalaan.

Ayon sa kanya para siyang nabunutan ng tinik dahil hindi na niya kailangang magtago sa awtoridad at malaya na siyang nakakapiling ang pamilya.

Pinasalamatan din nito ang lahat ng tulong na natanggap nito mula sa pamahalaan ng mag desisyon itong sumuko at magbalik loob.

“Dako gyud ang amoang pasalamat kay sa amoang pagbalik sa sabakan sa gobyerno daghan mi ug nadawat ug makapanginabuhi na gyud mi ug tarong para sa kaugmaon sa amoang pamilya.”//idcd-pgo//

Source: https://www.facebook.com/cotabatoprovinceofficial

Leave a Reply

Copyright © 2021 NorthCotabato.net All rights reserved. | by AF themes.