Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

TURNOVER AT BLESSING CEREMONY NG BAGONG TRIBAL HALL SA KIDAPAWAN CITY PINANGUNAHAN NI GOV. NANCY A. CATAMCO AT MAYOR JOSEPH EVANGELISTA

Isang New Building for the New Year na naman ang pormal na nai-turnover ni Governor Nancy A. Catamco kasama si Mayor Joseph Evangelista. Ito ay ang bagong naitayong Tribal Hall na gagamitin sa mga aktibidad ng tribal council of elders ng sa Brgy. Poblacion, Kidapawan City.

“Pag-abot sa serbisyo kinahanglan, dunay panaghiusa. Mao kini ang rason aron makab-ot nato ang atong handum nga Masaganang North Cotabato.” Ito ang naging pahayag ni Governor Nancy matapos pasalamatan ang lahat ng naging bahagi upang maitayo ang bagong tribal hall.

Sa ginawang blessing at turnover ceremony, pinasalamatan ni Gov. Nancy si Mayor Evangelista dahil sa pagbibigay nito ng lugar upang maipatayo ang bagong gusali.

Sisikapin na ang bagong tribal hall ay makatulong upang maisaayos ang Indigenous Political Structure (IPS) at maging daan para sa pagkakaisa ng bawat tribu sa buong probinsya.

Ang P5 Million halaga ng bagong Tribal Hall ay naisakatuparan sa inisyatiba ng ating mahal na Gov. Nancy sa ilalim ng 2019 PDAF Fund noong panahong siya ay Congressional Representative pa.

Bilang bahagi rin ng nakaugaliang kultura ng ating mga kapatid na tribu, isang pomaas ang isinagawa sa pangunguna ni Deputy Mayor for IP Affairs Datu Camilo Icdang kasama si KIDMAN Chairman Representative Council Alberto Encarnacion. Sinundan ito ng blessing ceremony sa bagong gusali sa pangunguna ni Rev. Fr. Dante L. Barcelona.

Nasa blessing and turn over ceremony din sina DPWH – 2nd District Engineering Office Assistant District Engineer Sunday B. Gudito, NCIP Representative Joyce Monique Mondragon,. Provincial IP Affairs Head Bae Leah Icdang at ilang mga kawani ng City Government of Kidapawan.

Source: https://www.facebook.com/GovNancyACatamco

Leave a Reply

Related Post

Gob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa MlangGob. NC Sinisiguradong tuloy-tuloy ang kunstruksyon ng Paliparan sa Mlang

Nag-occular inspection si Gob. Nancy Catamco sa ginagawang Central Mindanao Airport ngayong hapon sa bayan ng Mlang. Layunin ng Gobernador na ma-monitor at masiguro nitong tuloy-tuloy ang trabaho sa paliparan sa kabila ng pandemya. Kasama ng Gobernador si Mayor Russel Abonado, Vice mayor Joselito Piñol, BM Philbert Malaluan, dating Mlang