Welcome to the Province of North Cotabato
Mobilephone No.

+639510411225

Email Us at:

info@northcotabato.net

DISTRIBUTION NG CASH ASSISTANCE PARA SA MGA CHURCH MINISTERS NG 3RD LEGISLATIVE DISTRICT GINANAP SA BAYAN NG MATALAM

Pinasalamatan ng ating ever supportive Governor Nancy Catamco ang mga pastors mula sa iba’t ibang religious sectors ng ikatlong distrito dahil sa malaking tungkulin na ginampanan ng mga ito lalo na sa ispiritwal na pangangailangan ng mga mamamayan.
Inihayag ito ni Gov. Nancy sa isinagawang pamamahagi ng pinansyal na ayuda sa 117 beneficiaries na kinabibilangan ng Tulunan(9), Mlang(28), Matalam(13), Kabacan(44) at Carmen(23). Bawat isa ay nakatanggap ng tig 3000 cash.
Katuwang ang DSWD at sa tulong na ibinigay ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga benepisyaryo, naisakatuparan ang inisyatibang ito ng ating mahal na Governor bilang tulong sa mga pastor at mapabilang sa pangalawang batch ng Cash Assistance sa ilalim ng AICS program ng DSWD.
Kasama ni Governor Catamco ang mga staff ni Senator Bato na sina Ethel Abejero at Nolito M. Abanes kaisa si SWO III Rosemarie C. Alcebar RSW ng DSWD, Third District Congressman Jose Tejada, Vice Mayor Cheryl Catamco sa ceremonial turn over ng cash at mga Desktop.
Nakiisa rin sina Third District Congressional Office Political Officer Nelda O. Tejada, Peace Advocate Connie G. Dumato at Atty. Regerick Benito

Leave a Reply

Related Post

Distribusyon ng mga Tseke para sa mga Step Beneficiaries, mmabot na sa Bayan ng MidsayapDistribusyon ng mga Tseke para sa mga Step Beneficiaries, mmabot na sa Bayan ng Midsayap

Abot sa P430,000.00 ang kabuuang halaga ng mga tseke na ipinamahagi ng Provincial Cooperative and Development Office ( PCDO) sa 145 na mga benepisyaryo nito sa barangay Lower Katingawan, Midsayap kaninang umaga. Kaugnay nito ay nagpaabot ng malaking pasasalamat kay Governor Nancy Catamco si Barangay Captain Eduardo Singco na bagamat

PUBLIC ADVISORYPUBLIC ADVISORY

Patuloy na nilalabag ng Sangguniang Panlalawigan ang proseso ng pagpasa ng annual budget batay sa Section 323 ng Local Government of 1991. Sa 118th Regular Session nito ngayong araw, February 2, 2022, hindi parin kasali sa Order of Business ang pagtalakay sa Annual Budget para sa taong 2022. Nakasaad sa