
PUBLIC ADVISORY


Sa 118th Regular Session nito ngayong araw, February 2, 2022, hindi parin kasali sa Order of Business ang pagtalakay sa Annual Budget para sa taong 2022.
Nakasaad sa nasabing batas na hanggang December 31, 2021 lang dapat ay naipasa na ng Sangguniang Panlalawigan ang annual budget para sa taong 2022.
Sakaling bigo ang Sanggunian na ipasa ang nasabing budget sa nakatakdang deadline sa pagpasa nito, pinag-uutos ng batas na magpatuloy sa sesyon ang Sanggunian, at walang ibang business ang tatalakayin sa nasabing sesyon hanggat hindi pa naipapasa nito ang annual budget 2022.
Kayat hanggat hindi kasali sa Order of Business ng Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ang pagtalakay sa proposed Executive Budget 2022, patuloy ang paglabag nito sa Section 323 at maituturing na ilegal ang lahat ng proceedings na gagawin ng Sanggunian.
Samantala, by express provision of law, ang Provincial Government ng North Cotabato ay kasalukuyang nasa reenacted budget ngayon at ang paggastos ng Probinsya sa operasyon nito ay naayon sa Annual Budget ng nakaraang taon na 2021.
Inaasahan naman ang delay sa pagsasagawa ng mga development projects and programs sa Probinsya hanggat wala pang naipapasang budget ang inyong Sangguniang Panlalawigan.