100 kabahayan naipamahagi ng NHA sa Bacong Tulunan, Gov. NC nagpasalamat

Bacong, Tulunan (July 28, 2020)- Isang daang pamilya mula sa tribu ng Tboli at Blaan sa Barangay Bacong, Tulunan ang nabiyayaan ng bahay mula sa tanggapan ng National housing Authority o NHA at pormal itong naipamahagi kanina sa presensya ni Governor Nancy Catamco.

Nagbigay pugay ang Gobernadora sa liderato ni Tulunan Mayor Reuel “Pip” Limbungan, Vice Mayor Maureen Villamor at mga myembro ng Sangguniang Bayan hanggang sa Barangay opisyales na syang naging susi ng pagsakatuparan ng proyekto.

“Ang leadership ay hindi kompetisyon, kundi kakayanan na makiisa, magsulong ng kooperasyon at maging inspirasyon upang makamit ang tagumpay o mithiin,” sinabi ito ng Gobernadora sabay papuri sa naging tagumpay ng LGU.

Dagdag nya, nagawang maipakita ng liderato ni Mayor Limbungan kung papanu kumilos at magbigay benipisyo sa mamamayan.

Nagbalik tanaw naman si Mayor Limbungan sa sakripisyo ng lahat at pag-aasikaso ng mga dokumento at kooperasyon ng homeonwers at nang Presidente nito na si Gaudencio Ogit Jr.

Labis naman po ang pasasalamat Barangay Chairman Victor Acac, sa lahat ng ahensya na tumulong sa kanila. Kanya rin hiniling ang dagdag pang kabahayan para sa mga residente na nangangailangan rin ng tulong.

Hiniling din ni Chairman Acac, sa butihing Gobernador na maayos ang kanilang Farm to Market Road (FMR) dahil kabilang ito sa mga prioridad nila. Agad naman itong tinugon ng Gobernadora kasama si Engr. Jun Duyungan ng Provincial Engineering office.

Sa panig ng NHA, sinabi ni NHA Regional Manager Engr. Erasme Madlos, na bukas ang kanilang tanggapan sa hiling ng pabahay, lalo na mula sa mga indigenous peoples o tribu dahil bahagi sila ng prayoridad ng pamahalaan na matulungan.

READ  Statement of Gov. Nancy Catamco on the Murder of an IP woman in Magpet, North Cotabato

Kasabay ng okasyon ay namahagi ng planting material at abono ang Gobernadora sa aabot 60 farmers sa barangay.

Dumalo sa aktibidad sina Board Member Dulia Sultan, BM Jomar Cerebo, BM Alberto Rivera, BM Jonathan Tabara at BM Ivy Martia Lei Dalumpines-Balitok. Mula sa LGU Tulunan, si Mayor Pip Limbungan, ViceMayor Maureen Villamor, SB Member Jojo Ortizo, Joe Paja, Aba Sernal, Jun Suarez Arthur Taasan, Rogie Lantoria at Ontoy Angulo ##