237 LSI Sakay ng walo sa 12 Bus ng Partas Tours, dumating na sa Amas Capitol

Simula kaninang madaling araw ay magkakasunod na dumating sa Amas Capitol ground ang walo sa 12 bus units ng Partas Tours sakay ang 237 na mga Locally Stranded Individuals ( LSIs) na nakauwi sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program ng National Government sa pakikipag tulungan ng Task Force Sagip Stranded North Cotabateños.

Sa naturang bilang, 129 ay mga taga North Cotabato habang ang iba ay mga residente ng lalawigan ng Maguindanao at Cotabato City.

Ang mga North Cotabateños ay susunduin ng kani-kanilang mga LGU habang ang mga taga Maguindanao at Cotabato City ay ihahatid ng TF Sagip Stranded teams.

Ayon kay PIATF-IMT Logistic Chief, Eng. Mike Mineses, na agad isinailalim sa decontamination process ang mga dumating na LSIs.

Sa kabila ng pagod sa tatlong araw na biyahe, bakas pa rin ang tuwa sa mukha ng ating mga kababayan na sa wakas ay naka uwi na sila dito sa ating rehiyon.

Mamayang gabi naman inaasahang darating ang natitira pang LSIs sakay ng apat na bus.

Ito na ang ikalawang batch ng Hatid Tulong Program ng Duterte Administration sa Mindanao.

Please follow and like us:
fb-share-icon20
READ  Gov. NC pinasinayaan ang 64th Foundation Anniversary ng Brgy. Sta. Felomina Makilala