Ilang lideres ng mga kapatid na Muslim dumulog sa tanggapan ni Gob. NC

Bumisita sa tanggapan ni Gob. Nancy Catamco si National Commision of Muslim Affairs, Regional Director Datu Mama Sinsuat Jr, kasama si Dr. Alimen Sincel.

Dala nila ay ang kahilingan sa gobernador na suportahan sila sa panukalang pagpapalago ng Halal Industry sa lalawigan.

Kabilang sa panukalang ito ay ang pagkakaroon ng Provincial na ordinansa para i-regulate ang paggamit ng karatulang Halal sa mga karinderia, paglalagay ng Halal lane sa malalaking groceries store, paglalagay ng prayer room sa mga public establishments gaya ng hospital, mall, paaralan, at pagkakaroon ng public cemetery para sa Muslim communities sa Probinsya.

Sinabi naman ng Gobernador na tutolong ito at hiningi nitong bigyan siya ng panahon na mapag-aralan ang naturang panukala.

Laking pasasalamat naman ni Director Datu Sinsuat ng nalaman nitong may binuong Provincial Council of Muslim Elders ang Gobernador para tututok sa mga kailangan ng hanay nila.

Nasa pag-uusap din si BM Dulia Sultan, Provincial Chairman for Council of Muslim Elders Abdulbayan T. Padi at Provincial Muslim Affairs In-charge Meriam P.Salvo

Please follow and like us:
fb-share-icon20
READ  GOV. NANCY CATAMCO nagpasalamat sa suporta ng mamamayan sa mga isinusulong na programa ng IPHO