PPOC Magsasagawa gg mas malalimang imbestigasyon sa operasyon ng mga ng MISFI Academy Sa Probinsiya

Amas, Kidapawan City – Magsasagawa ng mas malalimang imbestigasyon ang Provincial Peace and Order Council (PPOC) sa operasyon ng paaralan ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc., (MISFI) sa North Cotabato.

Ito ay pagkatapos na nagpasa ng resolution si Mlang Mayor Russel Abonado sa pagpupulong ng PPOC na pinangunahan ni Gob. Nancy Catamco, na bubuo ng grupo na syang mangangatawan sa pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa operasyon ng MISFI.

Ang MISFI ay may mga paaralan sa Barangay Kisante Makilala, Brgy. Batang Tulunan, Brgy. Datu Celo Magpet, at Manarapan Carmen.

Ang hakbang na ito ay tugon na rin sa rekomendasyon ni Commading Officer, 1002nd Brigade Col. Potenciano C. Camba pagkatapos ng presentasyon nito tungkol sa Peace and Order situation ng lalawigan. Ang nasabing paaralan umano ay nagtuturo ng mga idolohiya laban sa gobyerno at wala rin silang permit to operate.

“All of us know that the education katungod sang is aka tawo. With the recommendation of the AFP, I guess there is a need for us PPOC council to conduct and in-depth or thorough investigation to wether or not there is indeed a violation on the part of the administration of these MISFI schools on the alleged teachings of insurgencies and ideologies against the government. If indeed there is we will recommend to the DepEd for the closure of these school establishment,” pahayag ni Mayor Abonado.

Nasa PPOC meeting din si WestMinCom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana PA, BGen. Roberto Capulong AFP, PD DILG Ali Abdulah, BM Onofre Respicio, BM Dulia Sultan, BM Jonathan Tabara, Mayor Susing Sacdalan, Mayor Pip Limbungan, Mayor Rene Robino, Mayor Jonathan Mahimpit, Mayor Cheryl Catamco, Mayor Vicente Surupia, Mayor Jean Dino Roquero, Vice Mayor Muhyryn Sultan-Casi.

READ  Proyekto ng Pabahay Pinapalakas ni Gov. NC.