Mayor ng Aleosan labis na nasiyahan sa pagbisita ni Gob. Catamco sa bayan

Kabacan, North Cotabato – Paulit-ulit nagpapasalamat si Mayor Vicente Sorupia kay Gobernor Nancy Catamco dahil sa saya nito sa kaunaunahang pagkakataon na bumisita ito sa bayan niya para makipagpulong sa mga Kapitan.

Gov. Nancy A. Catamco

Kumpleto naman ang mga Kapitan para marinig mula sa Gobernador ang nais nitong maiparating sa kanila.

Wika ni Mayor Vicente Sorupia, “Ako nagapasalamat kay Gob. Nancy sa iya pakigkonsulta sa mga Kapitan. Kay mas maayo gid nga sa inyo nga mga Kapitan maghalin ang gusto ninyo nga mga proyekto nga ipatuman sang Probinsiya.”

Tugon ni Gob. Catamco, “Ang atoang handom sa Probinsya, ang pagpakitambayayong sa atong Congressman, sa atoang Mayor, labi na pod sa inyong Barangay. Kay ako nagatuo nga ang panggobyerno ug pagserbisyo sa katawhan dili kompitisyon. Kay kung kompitisyon kini ang magsakripisyo ang katawhan. Kung naa may kompitisyon, dapat magbinipisyo ang katawhan.”

Ilan sa mga Kapitan ng humiling ng proyekto, prioridad nila ang Road concreting, Road gravelling dahil sira ang kalsada at subrang putik lalo na ngayon na tag-ulan.

Samantala, pinayuhan naman si Cong. Joel Sacdalan ang mga Kapitan na patuloy na magkaisa at magtulongan para maipatupad ang mga proyekto sa kanikanilang mga Barangay.

Nagpapasalamat na rin ang Gobernador sa mga Kapitan dahil sila ang talagang nagbabantay sa kanikanilang mga Barangay upang walang makapasok na COVID-19. Ito ang dahilan kung bakit wala tayong local transmition sa buong lalawigan.

Nasa pagtitipon din si Liga ng mga Barangay Chairwoman BM Dulia Sultan, Mayor Russel Abonado, Mayor Jesus Alisasis, Mayor Jean Dino Roquero, Vice Mayor Eduard Cabaya, PD PCol. Henry Villar, Provincial Engr. Jun Duyongan, Mun. Councilors Doris Clarito, Cesar Caballero.

READ  Ayuda para sa mga Hog Raisers apektado ng ASF isinulong ni Gov NC
Please follow and like us:
fb-share-icon20