Gov NC humihiling ng kooperasyon sa mamamayan upang mapigilan ang paglaganap ng ASF sa Arakan

Amas, Kidapawan City – (August 5,2020)
Mabilisang kumilos ang tanggapan ni Dr. RUFINO SORUPIA, ng Provincial Veterinary nitong linggo upang mailunsad ang depopulation sa tatlumpong (30) baboy na positibo sa African Swine Fever sa bayan ng Arakan.

Sinabi ni Dr. Sorupia na matapos mabatid na positibo sa ASF ang mga baboy sa Sitio Pinidan, Lanao Kuran, agad naglunsad ng operasyon ang kanyang tanggapan kaakibat ang barangay at ang lokal na pamahalaan ng Arakan.

Walong hog raisers ang may ari ng tatlumpong baboy agad silang napaliwanagan sa epekto ng ASF at pangangailangan ng depopulation at ma-decontaminate ito upang di na lalo pang makapaminsala.

Umabot na sa kabuuang 952 ka baboy ang napabilang sa depopulation operation ng OPVET, 922 mula sa labing dalawang barangay ng Magpet at 30 sa isang sitio ng Lanao Kuran, Arakan.

Napabilang sa tala ang mga barangay ng Ilian, Magcaalam, Tagbac, Sitio Masaya -Poblacion, Bantac, Doles, Binay, Amabel, Manobisa, Pangaoan at Sallab ng Magpet.

Nananawagan naman ang ating Gobernadora Nancy CATAMCO sa lahat ng mga hog raisers na maging mapagmasid at strikto sa pangangalaga ng kanilang baboy. Hiniling rin ng Gobernadora ang kooperasyon at suporta ng lahat ng LGU sa pagpalakas ng kampanya laba sa ASF at pagmamanman sa nga ASF Checkpoints.##

READ  Pagbisita ni Gob. NC sa Brgy. Daig pinasalamatan ng Opisyales, tulong sa mga apektado ng lindol tiniyak