Produksyon ng Coconut Sugar sa North Cotabato isusulong ni Gob. NC

Amas, Kidapawan City – Isusulong ni Gob. Nancy Catamco ang produksyon ng asukal na gawa mula sa niyog dito sa North Cotabato.

Ito ang inihayag ng Gobernador sa pagpupulong ngayong araw kasama ang mga opisyales ng North Cotabato Small Coconut Farmers Federation (NCSCF) na kung saan ang mga miyembro ay binubuo ng 15 municipalities and 1 City.

Sa ulat ni NCSCF Chairman Leo Loredo mayroong 20 Boiling Centers na pinunduhan ng Probinsiya ang kasalukuyang itinatayo sa ibat-ibang munisipyo. Tinatayang makakagawa ito sa kabuo-an ng 500 toneladang asukal bawat taon.

Siniguro naman ng Gobernador na tutulongan ang industriyang ito dahil ang unang makikinabang ay ang maliliit na magsasaka ng niyog.

Maaring sa pamamagitan nito ay maging isa umano tayo sa may pinakamalaking produksiyon ng coco sugar sa Bansa. Dagdag pa ng Gobernador na maganda sa kalusugan ng tao ang coco sugar at napakalaking ambag nito sa gagawing Agro-Industrial Hub na tinututukan ngayon ng Probinsya.

Samantala inatasan na rin ng Gobernador si OPAg Head Dr. Sustines Balanag na bumuo ng Technical Working Group para tututok sa mga kakailanganin ng Federation.

Habang ang iba pang kakailanganing pasilidad na idadagdag sa Boiling Centers para magiging operatinal ito ay ipapasok sa Annual Investment Plan para sa taong 2021.

Nasa pagpupulong kanina si BM Dra. Krista Solis-Piñol, BM Dulia Sultan, PA Efren Piñol.

READ  RX BoX at Starbooks ipineresenta ng DOST kay Gov NC.