Gov. NC tinitiyak ang pagsulong ng de-kalidad na Edukasyon sa harap ng Pandemya

Kilagasan, Kabacan (August 8,2020)
Personal na nakita kanina ni Governor Nancy Catamco ang paghahanda ng modules na ginawa ng mga guro ng Kilagasan Elementary School.

Kasama si Mayor Herlo Guzman, nakita ng Gobernadora ang modules na kasalukyan nilang piniprinta bahagi ng paghahanda sa pormal na pagsimula ng klase.

Si School Head Rhodora Magliwan, sampu ng mga guro ng iba’t ibang baitang sa elementarya ay kanya kanyang nagsikilos matiyak lamang na magkaroon ng mga modules ng estudyante.
Makulay ang modules, at maingat itong inisa-isa at tantyado na ang dami

Nabatid ng Gobernadora na malaki ang pangangailangan ng bond papers at kinailangan nilang maghanap ng paraan upang makumpleto ang bilang ng modules.

Sa harap ng hinaing tiniyak ng Gobernadora na iiakyat nya sa mataas na pamunuan ng DePEd ang sitwasyon.

Nagpaliwanag ang Gobernadora na nagtalaga na ng mahigit 86 milyong piso ang Provincial Government sa pamagitan ng Special Education Fund upang suportahan ang pagbukas ng klase gamit ang panibagong paraan ng pagtuturo sa harap ng pandemya.

Inaasahan ang patuloy na konsultasyon na gagawin ng Gobernadora tungkol sa pagpapatakbo ng edukasyon sa ilalim ng new normal.

READ  Construction materials hinatid ni Gob. NC sa mga biktima ng nakaraang lindol sa Tulunan